Advertisement

Facebook



About

DeliciousDiggTechnorati FavoritesMultiplyFacebookShare

About the blog:

Stoic Passion?

Bakit nga ba?

Nung minsan may kinuwento sakin yun ka-officemate ko, isang kwento na supposedly makakapag-invoke ng reaction ng sinuman na makakarinig. Pero nun matapos syang mag kwento ang sagot ko lang eh… “ah.. ok”. Doon ko lang na realize na napaka “tuod” ng reaction ko. Bakit nga ba ganun lang yun sagot ko? Siguro baka na sosobrahan na ako sa pag gamit ng Skype sa pakikipagusap at tuluyan nang nawala yun emosyon ko sa pagsagot.

Pero di lang yun ang napansin ko sa sarili ko, di lang na sobrang tuod ako sumagot, na realize ko rin na sobra na kong naging passive sa mga bagay na dati ay aktibo ako. Sa kung anong dahilan kung bakit nagkaganun ako ay di ko na balak alamin pa, alam ko namang walang isang sagot sa tanong ko. Ang balak ko na lang ay subukang ibalik ang mga Passion sa Stoic kong existence. Sabi nga ni Dr Robert Doback, tatay ni John C Reilly sa movie na Step Brother, “get up there and get your dinosaur back!”… or dreams… or..basta kung napanood mo yun Step Brother naintindihan mo na yun!

About the author:

Ako ay si meekes. Nakatira ako sa Makati.  Paglaki ko gusto kong maging sundalo, scientist, titser o abugado. 

Ngayon malaki na ako, na realize ko, hindi ako sundalo, hindi ako scientist (pede na ba i-consider na scientist ako kung ang natapos ay computer science?), hindi ako titser at lalong hindi abugado.

Madami akong gustong maging, nung bata ako, pero pag daan ng panahon, nakalimutan ko na ito. Ah gusto ko rin pala maging member ng Menudo!.

Marahil madami rin sa atin ang may nakakatuwang pangarap na maaring ngayon ay ala-ala na lang na ating tinatawanan.   Pero balikan mo nga.  Diba’t gusto mo rin matupad ang mga pangarap mo? Eh anong nangyari? Dala ba ng panahon kung bakit di ito ang pinangarap mo noon?  Kung bakit napadpad ka sa ganyang klaseng trabaho? Nakalimutan mo na ba ang pangarap mo O nag mistulang dahon ka na lang na sumabay sa ihip ng hangin?

Kung oo ang sagot mo …. Ang lalim mo naman!  :) Di kita mareach! Nagkamali ka ata ng blog na binabasa!

Pero balik seryoso tayo, kung ikaw nga yun, eh anong ginagawa mo ngayon? Wag mong sabihin sumusunod ka parin sa ihip ng hagin?  Pareho pala tayo! :)    Pero sinisimulan ko na baguhin ito. Medyo matagal, pero sabi nga sa cartoons ng Disney na Cars, “it’s not the destination, it’s the journey!”.  

Isang taong mahigit sa trenta na ko (magulo ba? gusto ko lang sabihin 31years old na ako), sabi ng mga scientist, mas umiigsi daw ang life expectancy ng mga tao habang tumatagal.  Umipisahan mo ngayon or umpisahan mo bukas? 

Sabi ni Richard Gordon dati, “wag maging dayuhan sa sariling bayan”.  Meron din ako nyan! “wag maging passive sa sariling mong buhay”. Walang Rhyme pero gets mo na yun.  Tara na byahe tayo!

Ako si meekes. Nakatira ako sa Makati. Bow!

Usap tayo! meekes@stoicpassion.com

DeliciousDiggTechnorati FavoritesMultiplyFacebookShare