Kanta ng Metallica na ‘Enter Sandman’ ang parating kinakanta ng utak ko habang papalanding na yun KLM flght sa Schipol Airport Amsterdam. Papunta kasi ako sa Brussels, Belgium at ang connecting airport ko ay sa Amsterdam. Di na talaga na-correct yun maling lyrics na nabasa ko dati na ang sabi eh… ‘taaaayke my hends…off to Nether-Netherlands’, kaya tuloy yung kanta na yun ang parating nasa utak ko.
Excited ako makapunta sa Netherlands, sa eroplano pa lang ay kita mo na kung gaano kaganda ang lugar nila. Luntian, maayos ang mga bahay, magandang tignan mula sa itaas, at ngayon ko lang napatunayan ang sinasabi ng Social Studies teacher ko na pag ka dami-dami ng kanal dito, mukhang mas madami pa ang kanal dito keysa sa kalsada.
Ineexpect ko na makakakita ako ng mga traditional windmills kagaya ng mga nakikita ko sa mga libro nun gradeschool. Subalit bigo ako, sapagkat medyo modern na ang mga windmill nila.
Excited na rin ako gumala, pero syempre stop-over lang ako kaya kailangan ko i-set yun expectations ko sa pag punta sa Netherlands. Kung ano mang pag-tu-turista ang gagawin ko, dapat achievable. Kung kayat sa sandamak-mak na gusto kong gawin, ni lista ko ang 4 sa tingin ko pede kong gawin sa 2 oras na waiting time ko para sa next flight:
1. Mag pa picture kay Peter Pan at Wendy
2. Pumunta sa bahay ni Joma Sison, makipag kwentuhan kung gaano nya ka idol si Marx, Stalin, Lenin, at Mao
3. Mag tap dance gamit ang Clogs
4. Maghanap ng murang mapagbibilhan ng ‘Birch Tree’ powdered milk (kung alam mo to..ibig sabihin matanda ka na!)
Subalit, sa laki ng Schipol Ariport, para makapunta lang sa isang terminal ay aabutan ka ng 20 mins na pag lalakad, kung kaya pinasya ko na lang na wag nang gawin ang aking itenerary at mag-i-ikot-ikot na lang sa loob ng Schipol Airport. Kung may pag kakataon sana, pag balik ko, gusto kong mag mountain climbing sa Netherlands.
Related Posts
- Curry, Hindi Adobo
- Santa Tracking, mas hightech pa sa parcel tracking ng UPS at Fedex!
- Divisoria Shopper’s Map: A guide on the whereabouts of the things you need to buy in Divisoria
- Stoic Passion?
- Online Burol: Thinking out of the (Box) Casket
Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.















January 26, 2010 : Cool Events This February
January 23, 2010 : Belgium: Europe’s Place to .Be
January 10, 2010 : Pig-out at Boracay

wow ganda ng site kakaaliw
wla lng ng message lang pasenyca dito ako ng leave kasi wala ako makitang ibang option
ingat
im going to netherlands sometime last week of oct., i do hope id get a companion on the area, malungkot kasi mag-tour alone. besides, i dont know much of the place. hope to meet somebody from amsterdam who’d be willing to show me the best places there.
@noel: thanks!
@LA: If you’re going alone, best to join a tour group. Haven’t been outside Schipol airport so can’t say what are the best places to see in Netherlands.