Kung nagkataon pala na hindi dumating ang mga muslim at kastila sa Pilipinas, marahil ay hindi Adobo, kundi Curry ang kilalang pagkain sa Pilipinas. Ito ang isang bagay na naglaro sa isip ko nang bisitahin ko ang bagong koleksyon ng Ayala Museum.

Ito ang Upavita o ang Sacred Thread... naisip mo na ba kung gaano kalaki ang Sacred Needle? (photo from Manuel L Quezon III blog)
Nung minsan na mapadaan ako sa bridge ng Greenbelt papuntang Landmark ay nakita ko ang bagong “wall paper” ng Ayala Museum na may catch phrase na “The exhibit you’ve waited a thousand years to see”. Sino ba naman ang hindi ma-cu-curious sa ganung catch phrase? Kung kaya’t nung nagkaroon ako ng pagkakataon, ay pinuntahan ko ang exhibit nun nakaraang Sabado at nag balik grade school ako sa personal field trip ko na iyon.
Surigao Treasure
May Idea na ako kung ano ang dadatnan ko sa loob ng museum. Napanood ko na kasi dati sa Probe ang feature nila tunkol sa Surigao Treasure, ito ngayon ang isa sa mga bagong exhibit ng Ayala Museum.
Ang Surigao treasure ay koleksyon ng mga gold artifacts na natagpuan noong 1981 ng isang bulldozer operator habang ginagawa nila ang isang irrigation project sa Surigao. Koleksyon ito ng iba’t ibang uri ng ginto at iba pang kagamitan na estimated na ginawa noong 10th-12th Century, bago pa man dumating ang mga Kastila at mas maaga pa sa pagdating ng mga Muslim na misyonaryo sa Pilipinas.

Kinnari: Ang half woman, half bird na mythical creature ng mga Hindu at Buddhist...sinong may sabing lalake lang ang may bird? (photo from Ayala Museum website)
Kasama sa kolekyong ito ay ang Sacred Thread o ang Upavita na gawa sa ginto. May haba ito na 150cm at may bigat na 3,860 gms, halos kasing bigat ng 2 bote na 1.5L ng Coke at kasing kapal nito yung tisa sa billiards. Ito na ang pinaka malaking ginto na nakita ko sa buong buhay ko at palagay ko kung sino man ang nag susuot nyan noong unang panahon ay isa sa maaring naging past life ni Mr T ng “The A-team”.
Ang Upavita ay isang sacred thread na sinusuot lamang ng mga Brahmin. Kung nakalimutan nyo na ang Social Studies class nyo nun high school review-hin natin ang social caste system ng India. Ang caste ay binubuo ng mga Brahmin-ang mga di ma-reach, Kshatriya-ang mga sosyal, Vaishya-ang mga trying hard na maging sosyal, at ang Shudra-ang mga jologs.
Isa rin sa mga nakakamanghang item sa koleksyon ay ang Kinnari na gawa sa ginto (pronounced as Kin-na-ri, pero kung sosi ka, pwede na rin ang Ki-ney-reee). Ang kinnari ay isang mythical creature na half-woman and half-bird.
So? Ano ngayon?
Ang Upavita at Kinnari ay mga bagay na nag papatunay ng Hindu, Buddhist or Indian influence sa Pilipinas. Sabihin mo nang mababaw ang kaligayahan ko at geek ako, pero talagang namangha ako sa nakita at nalaman ko. Isipin mo yun! Kung nag kataon palang hindi dumating ang mga Muslim at Kastila sa Pilipinas, ay panay curry, masala at samosa ang nilalantakan natin ngayon. Para sa mga taong ayaw sa gulay, sibuyas at mga ma-a-anghang na pagkain…aren’t you glad they came? :p

Ang Boxer-Codex na nag papakita ng lalake na gamit ang Upavita. Possibleng ito ang past life ni Mr T.
Marami pang ibang maliliit na trivia ang matutunan mo sa pag bisita sa Ayala Museum. Nandyan si Namwara ang kauna-unahang recorded na ma-ngu-ngutang at ang unang recorded na debt write-off, ang Austronesian migration mula sa Taiwan, papuntang Pinas at Australia (yes…kalahi natin sila Hugh Jackman at si Nicole Kidman….asa ka pa!), at ang ibat-ibang mga bling-bling ng mga ninuno natin.
Talagang masasabi kong interesting ang field trip ko sa Ayala Museum, sa fourth floor pa lang yan. Marami ka pang matututunan sa ibang floors ng museum (Alam mo na syempre kung sino ang pinaka pandak na presidente ng Pilipinas, pero alam mo ba kung sino ang pinaka matangkad?). So kung wala ka naman ginagawa sa isang araw, subukan mong mag paka bata ulit at mag field trip. It’s definitely a light learning experience!
Na curious ka rin ba? Read more from the following:
http://www.ayalamuseum.org/
http://www.quezon.ph/1797/our-society-looking-back/
http://en.wikipedia.org/wiki/History_of_the_Philippines_(pre-1521)
http://en.wikipilipinas.org/index.php?title=History_of_the_Philippines_(pre-1521)
Related posts:
- Baclayon Church: A Long Walk Away If you’d go to Baclayon with no tourist guide, you...
- Santa Tracking, mas hightech pa sa parcel tracking ng UPS at Fedex! Kating-kati ka na ba malaman kung nasan si Santa Claus...
- Off To Nether-Netherlands! Kanta ng Metallica na ‘Enter Sandman’ ang parating kinakanta ng...
- Divisoria Shopper’s Map: A guide on the whereabouts of the things you need to buy in Divisoria Map of Divisoria Papunta ka ba ng Divisoria? Kung may...
- Stoic Passion? Bakit nga ba? Nung minsan may kinuwento sakin yun ka-officemate...
Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.


Good Customer Service at HostingPhil.com
Reliving Francisco Dagohoy’s Legend at EAT Danao
Alona Beach, Panglao Island: Teeming with Marine Life
The Hanging Bridge, Simple Yet Fun
Baclayon Church: A Long Walk Away

@raki: thanks for the comment!
TUNAY NA KAMANGHA-MANGHA ANG MGA GINTONG KABILANG SA EXHIBIT SA AYALA MUSEUM.
MALAKING TULONG ANG PAGKAKATUKLAS SA MGA GINTONG ITO SAPAGKAT PARANG TINUKLAS NA RIN NATIN ANG ATING IDENTIDAD BILANG ISANG NASYON.
TUNAY NA MAIPAGMAMALAKI. ANG TOTOONG PILIPINO AY HINDI TACKY KUNDI INTELLEGENTE AT TALENTADO.
@lydia: thanks !
am learning– from YOU! Thanks
cool