Papunta ka ba ng Divisoria?
Kung may listahan ka na ng bibilhin at kailangan mo na lang alamin kung saan mo matatagpuan ang mga bibilhin mo. Dyan kita pwedeng tulungan. Isa isahin natin ang mga lugar at mga bagay-bagay na mabibili mo sa Divisoria.
Quick Link:
- Damit na pang Japorms ba ang hanap mo?
- Wholesale na plain T-shirt
- Barong, Gowns Galore,Telang per-yarda at Baby Things
- Stuffed toys, toys na pang give-away, birthday party accessories at iba pang laruan
- School Supplies at Novelty Items
- Getting ready for the rain?
- Fresh Fruits, Gulay, Fishda, Junk Foods at iba pa
- Plato, tasa, platito at baso pang hagis sa mister mo
- Native Handicrafts, Figurines, Decors at Souvenirs
- Kolorete, ipit at tali sa buhok, suklay, blush-on at kyutiks
Damit na pang Japorms ba ang hanap mo?
Ito ang isang bagay na hindi mo na kailangan hanapin sa Divisoria. Bawat sulok ng Divisoria ay panay tindahan ng mga damit na pang ja-porms. Siguro depende na lang kung ano ang mas malapit sayong mall. Kung galing ka ng Recto o Abad Santos, swak sayo ang Tutuban Mall. Kung galing ka naman ng Reina Regente or Binondo, swak naman sayo ang 168 Mall, Meisic Mall, New Divisoria Mall at ang kahabaaan ng Juan Luna.
Wholesale na plain T-shirt
Kung wholesale na T-shirt ang hanap mo, sa Juan Luna street ang dapat na punta mo. Malapit sa Binondo church ang lugar sa Juan Luna street na panay wholesale na bentahan ng mga plain shirts at polo shirts. Dito ang motto ng mga tindahan ay “We accept T-shirt printing”.
Barong, Gowns Galore,Telang per-yarda at Baby Things
Kung nag titipid ka sa wedding dress mo o di kaya’y trip mo lang mag gown sa opisina mo, sa mga building sa tabi ng Tabora at Ilaya ang dapat na punta mo, Dito makaka pag pa made-to-order ka ng mga gowns pang kasal, o di kaya’y gowns na pang rampa. Mag dala ka lang ng isang page sa magazine na gusto mong ipakopya na gown at sila na ang bahala. Kung di ka naman prepared meron din silang catalogue ng mga gowns. Sa mura ng gowns dito, for the same price na ibabayad mo sa isang kilalang couturier, pwede mo nang i-request na budburan ng sequins at svarovsky yun gown mo or di kaya’y gawing isang milya ang haba ng veil mo.
Bukod sa gown, madami rin dito ang bentahan ng mga gamit para sa baby, rolyo-rolyong tela, mga whole sale T-shirt tulad sa Juan Luna at mga uniform pang eskwela. Minsan nga lang masakit sa mata yun chemical na maamoy mo sa mga rolyo ng tela. Kahit dumaan ka lang mapapansin mo ang hapdi sa iyong mata.
Bukod sa Tabora at Ilaya, meron din mga bentahan ng tela at pagawaan ng gowns sa kabilang side naman ng Recto, sa hilera ng Azcarraga.
Stuffed toys, toys na pang give-away, birthday party accessories at iba pang laruan
Kung galing ka ng Binondo, sa kanto palang ng Juan Luna, Ilaya at Sta. Elena, sasalubungin ka na ng mga stuffed-toys. In fairness magaganda naman yun quality ng stuffed toys na binebenta nila. Karamihan ng stuffed toys dito ay katulad ng mga prize na makukuha mo sa Time Zone.
Kung pang give-away naman sa birthday party ang hanap mo, sa New Divisoria Mall ang punta mo. Sa ilalim ng New Divisoria Mall, katabi ng wet market, dyan mo makikita ang tindahan ng mga laruan na tabi-tabi. Karaniwang klase ng laruan na mabibili dito ay yun mga maliliit lamang na laruan,na madalas naka bundle sa rubber band tulad ng mga card games na ‘Teks’ or naka plastic at nakadikit sa isang karton. Merong per kilo ang bentahan (katulad ng mga maliliit na plastic army figures, kutsara’t tinidor, etc) at meron din per dosena. Meron din mga ibat-ibang party accessories. Kailangan mo lang pag tyagaan ang sikip ng mga pasilyo. Minsan mas makakamura ka kung pupunta ka sa kaloob-looban ng mga pasilyo. Kung sa bandang hapon ka naman pupupunta doon, ay bilisan mo lang dahil bandang alas-sinko pa lang ng hapon ay nag sasara na ang karamihan ng tindahan doon.
Bukod sa ilalim ng New Divisoria Mall, meron din ilang stalls sa itaas ang nag bebenta ng mga party accessories tulad ng pabitin, party hats, pinyata at balloons. Doon medyo convenient ng kaunti dahil may aircon. Kaso nga lang mahirap hanapin yun mga stalls.
Katapat naman ng New Divisoria Mall ang isang building sa kanto ng Tabora at Sta. Elena ang New Divisoria Center. Sa second floor nito, marami din nag-bebenta ng mga laruan. Mas maluwag ng kaunti ang mga pasilyo dito. Mas marami din naman dito ang nag bebenta ng mga laruan na may kalakihan ang size, yun mga naka-kahon, may de-motor, gumagalaw, or yun mga naka vacum sealed na laruan, makakabili ka rin dito ng mga “bootlegs” na laruan or pirated/look-a-like na laruang galing China. May mga doll house na malalaki, mga kotseng plastic na pwedeng sakyan ng mga bata, mga baril, manyika at iba pa.
So kung maliit na pang birthday party loot bag ang hanap mo, mas marami ang nag bebenta nito sa ilalim ng New Divisoria Mall. Pero kung may kalakihan naman na pang prize sa party games ang hanap mo, sa New Divisoria Center ang mas maraming nag bebenta nito.
School Supplies at Novelty Items
Kung school supplies naman ang hanap mo, ang kahabaan ng Sto. Cristo at Quentin Paredes ang dapat na punta mo. Anong pinag kaiba ng dalawa? Kung gusto mo maginhawa na nakakapamili ng school supplies na wholesale, mas ok mamili sa Quentin Paredes, ito yun kalye na dadaanan mo kung galing ka ng City Hall ng Maynila at tinutumbok nito ang Binondo church. Kaso karamihan ng bentahan dito pang wholesale lang talaga. Marami din dito ang nag bebenta ng mga office equipments pati narin sports equipments.
Kung nasa lugar ka naman ng Recto, mas malapit naman ang Sto Cristo. Mula sa bungad ng Recto ay naka linya na ang mga nag bebenta ng school supplies sa kalye ng Sto Cristo.
Kung mga school supply na novelty items naman ang hanap mo. Yung mga pencil, eraser, ruler na may mga cartoon characters. Marami ang nag titinda nito sa first floor ng New Divisoria Mall.
Getting ready for the rain?
Wholesale na payong marami nyan sa New Divisoria Mall sa first floor. Mga rain coat, lona, canvass o trapal, sa kahabaan naman ng Recto sa tapat ng Tutuban mall meron nito. May ilan-ilan din nag nag bebenta sa may dulong bahagi ng Recto.
Fresh Fruits, Gulay, Fishda, Junk Foods at iba pa
Kahon kahon at all year round na available ang mga manasas, ponkan, orange, at iba pang prutas sa kahabaan ng Carmen Planas street. Per kahon ang bilihan dito, minsan may nag bebenta din ng paisa-isa.
Kung gusto mo naman maiyak sa dami ng sibuyas, sa kahabaan ng Recto mula sa kanto ng Sto Cristo papuntang Pier, may mga naka linya nang tindahan ng sako-sakong sibuyas. Dyan din sa lugar na yan ng Recto ang karaniwang bagsakan ng mga gulay.
Kung isda naman ang hanap mo sa New Divisoria Mall ang punta mo. Sa ilalim ng New Divisoria Mall ay bentahan ng mga isda at iba pang laman dagat.
Kropek, kendi, sitserya, at iba pang Junk Foods ang karaniwang binebenta sa kalahating bahagi ng Sto Cristo. Makakakita karin dito ng mga laruan na sa loob ay may lamang kendi, mga imported na kendi at iba pang junk foods. Siguraduhin lang na ang binibili mong pagkain ay hindi pa expired.
Plato, tasa, platito at baso pang hagis sa mister mo
Kung madalas kayong mag away ni mister at nauubos na ang mga plato sa bahay nyo, dito sa dulo ng Recto ang punta mo. Lagpas ng Sto Cristo, kahilera lang ng mga tindahang ng mga sibuyas ang mga tindahan ng babasagin na plato, tasa, platito at baso. Mag kabilang side ng Recto ang mga tindahan na pag pipilian mo.
Native Handicrafts, Figurines, Decors at Souvenirs
Sa kahabaan ng Tabora nakalinya bawat side ng kalye ang tindahan ng mga figurines, home decors at pang souvernirs. Sa loob naman ng mga building matatagpuan mo ang mga tindahan ng ribbons, lace at mga gamit pang-tahi. Kung trip mo naman gumawa ng sariling style ng home decor native handicrafts, meron din mga supplies na yan sa Tabora at meron din sa ilalim ng New Divisoria Mall.
Kolorete, ipit at tali sa buhok, suklay, blush-on at kyutiks
Maituturing na Paraiso ng mga Kikay on the budget ang first floor ng New Divisoria Mall. Dito mo makikita ang hile-hilerang tindahan ng kung ano-anong “kikay things”…. It’s like a “Kikay’s Heaven you know!”
. Meron dyan bentahan ng ibat-ibang ipit at pan-tali sa buhok, make-up, lipstick, kyutiks at iba pang maisip mong pang pintura sa mukha mo.Syempre di mawawala ang mga made in China na blower, plantsa sa buhok at iba pa.
Bukod sa New Divisoria Mall, meron din mangilan-ngilan na tindahan ng mga parlor supplies sa mga building sa tabi ng Carmen Planas,Tabora at Ilaya.
Syempre marami pang ibang mga bagay na mabibili sa Divisoria at di lang naman limitado sa mga lugar na nabanggit ko. Pero kung di mo pa alam kung saan sa Divisoria maaring makakita ng hinahanap mong bibilhin, sana ay makatulong ito sayo at nang di ka mapagod sa kalalakad sa buong Divisoria.
Related Posts
- Divisoria Shopper’s Map (2011 Update): A guide on the whereabouts of the things you need to buy in Divisoria
- Divisoria Shopper’s Map: Commoner’s Commercial
- Curry, Hindi Adobo
- Identity Theft… hooooo are you… hooo… hooo… hooo.. hooo…
- Stoic Passion?
Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.







How To Make an Ostrich Rider Costume
Jose Rizal: The Little Bad Boy in Brussels
Alluring Atulayan Island
Divisoria Shopper’s Map (2011 Update): A guide on the whereabouts of the things you need to buy in Divisoria
How to Make Plants vs Zombies Costume
Plants vs Zombies Halloween Costume


sir, san po kaya pwede makabili ng poem stickers??
@edna:Try mo sa mga shops na nag bebenta ng baby clothes/items sa New Divisoria Mall (1st and 2nd floor), Ledesma Bldg (between Carmen Planas and Tabora), shops between Tabora and Ylaya, and Ylaya street itself.
hi. very informative…wer goin there on tues…wer can we find costumes: costume for baby girl (turning 1 – princess costume) and cartoon character costumes?
thank you
@Jen: sorry no info on that
@michelle: try mo sa new divisoria mall, first floor. usually nandun yun mga novelty items and houseware items
@faye: try mo sa juan luna, nandun lahat nagbebenta ng mga plain shirts, baka may hanes dun
@josie: sorry no info on that
hello po. i need help po. san po mkakahanap ng Hanes shirt na wholesale sa divi? meron po kayang ngbebenta ng ganun don? salamat po sa tulong.
saan po makakabili ng attires made of recycling materials? I need it asap…thank you so much!
Hi. Hindi po ako divi-diva, pero gusto ko lang din po magshare ng kaunting kaalaman ko po sa divisoria.
CHEAP CURTAINS – tabora/ilaya, meron din sa tutuban mall
WHOLESALER NG MOTHBALLS/TAWAS – sa sidewalk tapatan ng new divi mall at new divi center
COSTUMES/MASK/HEAD PIECES KUNG TRIP MO MAG-ALA JABAWOKEEZ O MAGSAYAW NG CULTURAL DANCE – tabora ang lugar na dapat puntahan mo
EMBROIDERY/SILK SCREEN/VINYL PRINTING/TARPAULIN – pumunta ka sa Juan Luna at hanapin mo ang LIKHANG PINOY. Sila ang leading sa pagdating sa mga ganyang serbisyo.
PERSONALIZED KEY CHAINS/MUGS/TUMBLERS/INVITATIONS/STICKERS/TARPAULIN – meron din ang LIKHANG PINOY nyan, pero kung gusto nyo ng may mapagkukumparahan punta kayo sa 2nd floor ng New Divi Mall, pag-akyat mo lang ng escalator, makikita mo na yung hilera ng gumagawa.
WHOLESALE NG FACE TOWELS/SOCKS/PANYO/PANTY/BRIEF – punta kayo sa JUAN LUNA at hanapin nyo yung BEN CHIONG. Magsasawa kayo sa paghahanap ng iba’t-ibang klaseng tuwalya na pang salon o para sa personal na gamit nyo
PLASTIC CUPS/DISPOSABLE PLATE/PLASTIC BAGS – punta kayo sa Commoner’s Commercial
TELA PARA SA PAGGAWA NG BAG/UPUAN/TENT AT MGA NETS PARA SA PANGINGISDA – sa Commoner’s Commercial ka din pumunta, bago yun mag JUAN LUNA
INSENSO/KAMANGYAN/ANTING-ANTING – sa sidewalk ng STA. ELENA, TABORA AT ILAYA ka makakakita nun
PAANO PUMUNTA SA DIVISORIA???
Kung taga QC/PASIG/MARIKINA/ANTIPOLO/CAINTA – Sumakay kayo ng LRT LINE 2 sa SANTOLAN STATION tapos babayad ka lang ng 15.00 para sa ticket, then pagnasa RECTO STATION ka na, paglabas mo may sakay na ng jeep papuntang divisoria, 7 pesos lang isang tao. Malalaman mo na nasa divisoria ka na kapag nakita mo yung street sign na ABAD SANTOS AT REINA REGENTE. Kapag nakita mo na yun bumaba ka na.
Sana po ay nakatulong po ako. Salamat po. Godbless!
Hi,
Informative website. Ask Lang we to buy aluminum tin can?ung parang lalagyan ng cookies..thanks in advance
Jen
hi saan po ba makakakita ng mga bag organizer and shoe organizer na hinahang?Thanks http://www.organizeit.com/po30pairotd.asp yan po picture ng shoe organizer . thanks
@reahfe: Pwede mo puntahan yun streets ng Juan Luna (lagpas ng Sta Elena street, papuntang Recto, from Binondo), Commercio (sa tabi ng New Divisoria Mall) and yun Ascuncion at Escano streets. Nandun yun mga nag bebenta ng plastic food packaging. Pinaka convenient yun areas ng Commercio, Asuncion at Escano kasi hindi matao, di tulad sa Juan Luna na siksikan.
@cecille: Try mo sa mga streets ng Ascuncion, Escano at Sto Cristo. Dun may mga nag bebenta ng powdered milk na de sako, pero mukhang pang baking lang yun. Although dun din sa mga streets na yun usually may mga grocery stalls na wholesale, pwede mo rin i-check kung meron sila ng hinahanap mo.
@kirby: may mga nakita ako snow globe sa New Divisoria Mall, pero madalang ang nakita ko nag bebenta nun. Puntahan mo yun mga nag bebenta ng novelty items, karamihan sa first floor ng New Divisoria Mall.
san po makakabili ng acetate box at cupcake transparent case? thanks…
san makakabili ng wholesale price ng infants and toddlers powdered milk? Thanks.
hello.. san po mkakabili ng snow globe.. giveaway for my cuzn debut..thanks po
ah salam,at po.malaking tulong yan.
@shalie: sorry no info on that
@klarika: sorry no info on that
@divimode: sorry no info on that
@mhiel and @sash: sorry no info on that
@levy: Sa Bambang area, in between Tayuman and Bambang LRT stations, nandun lahat ng medical supplies shop
Ano po ang airfreight na mura along divisoria juan luna? bumibili kasi ako ng shirts tapos nagpapaship pa ko to zamboanga.
hi pwede po ba magtanong kung san bilihan ng victoria’s secret factory price pangwholesale? thanks po
sir meekes, san po kaya makikita yung mga powder flavor for shakes at yung mga extenders niya like mallows basta yung ginagamit sa ice scramble. TIA!
+1 sa blog mo sir! godbless
San po makakabili ng crocs sta.cruz replica yung wholesale po?
Saan makakabili ng beach dresses? ung mahaba. thanks!
ginagamit po sya sa kandila pampakintab.yun nalang pong laboratory thermometer, san po kaya pd makabili?tnx
@arney: try mo sa Camp Suki sa New Manila area. No info on the contact details, just search for it sa internet.
@james: For cameras try mo yun carriedo area; For computers try mo sa Gilmore
@levy: Not sure kung tungkol sa candle making yun tanong mo, if yes, merong Goddies Wax shop. Na post na sa response thread yun or search mo na lang sa internet
@joan: For Christmas decor, try mo sa Tabora. For costume, no idea sa divisoria.
san po ba makakabili ng costumes ng united nations \?
at magkano po ?
pag nag rent ba magknahu ?
tnx .
i badly need infos
thanks sa info.::::: san po makakabili mura mga electronics gadgets??
san po ba pd makabili ng candle glaze?salamat po..
its a good thing na me ganito na website.thumbs up naman!
san po banda makabili ng pang costume party for kids sa divisoria?
and christmas decor din?
thank you..san po ako pwde mag pagawa ng personalized na keychain at id lace yun pambenta..thank you
saan poh makabili ng fire dancing equipments? tulad ng ginagamit ng tribal dancer sa talentadong pinoy…tnx
saan mkakabili ng beads sa paggawa ng hikaw, bracelet, kuwentas at iba. at mga gamit nito.
hi. saan nakakabili ng wholesale french fries sa divisoria?
Anybody knows kung saan ako makakahanap ng murang tumblers for Php 55.00 budget. Color green, red, blue.Thanks
Thank you po sa lahat ng info, very useful. Sana madagdadan ng info about public transpo para sa mga katulad ko na gusto pumunta pero hindi familiar sa area.
san b nkakabili ng mga tools para sa accesries tska ng whole sale na beads…
hi, hope you can help me to find some accessorie store…
ung bilihan ng mga whole sale beads and tools for making accessories. thank you…
pls help me!!!
share ko na rin ibang info na alam ko since madalas din me sa divisoria..
butterfly wings, costumes, masks = along tabora street. meron..sa bilihan ng souvenirs at christmas decors.. sa sidewalks lang
shakes = last week, meron me nakita corner ng tabora, sa right side ng divi mall galing 168.
pins and buttons (customized).. sa divi mall 3rd floor (food court)..mura lang. nagtanong kasi ako.. makukuha mo lang ng 10 each compared sa 50 ng malls.
hope matulungan din ako..limited lang kasi napupuntahan ko kaya diko ma-scan lahat.
baka may nakakaalam sa inyo kung saan makakabili ng empty perfume bottles..balak ko sana for my perfume business.. thanks.
hi..hope someone can help me.. been searching the web for these and had difficulty finding the answer..
where can i buy empty perfume bottles in divisoria.. i made myself already familiar with the map, but one day is not enough to physically scan all stalls, malls and stores in divi..
i saw sellers online but with the shipping and all, it would be costly to buy online.. since i need a LOT..
please help…
thanks
san po ako pwde magpagawa ng silkscreen
saan ba masarap mamili na mura at talaga namng magaganda?