Advertisement

Facebook



Divisoria Shopper’s Map: A guide on the whereabouts of the things you need to buy in Divisoria

DeliciousDiggTechnorati FavoritesMultiplyFacebookShare
Map of Divisoria

Map of Divisoria

Papunta ka ba ng Divisoria?

Kung may listahan ka na ng bibilhin at kailangan mo na lang alamin kung saan mo matatagpuan ang mga bibilhin mo. Dyan kita pwedeng tulungan. Isa isahin natin ang mga lugar at mga bagay-bagay na mabibili mo sa Divisoria.

Quick Link:

New Divisoria Mall (view from Sto. Cristo st.)

New Divisoria Mall (view from Sto. Cristo st.)

Damit na pang Japorms ba ang hanap mo?

Ito ang isang bagay na hindi mo na kailangan hanapin sa Divisoria. Bawat sulok ng Divisoria ay panay tindahan ng mga damit na pang ja-porms. Siguro depende na lang kung ano ang mas malapit sayong mall. Kung galing ka ng Recto o Abad Santos, swak sayo ang Tutuban Mall. Kung galing ka naman ng Reina Regente or Binondo, swak naman sayo ang 168 Mall, Meisic Mall, New Divisoria Mall at ang kahabaaan ng Juan Luna.

Wholesale na plain T-shirt

Kung wholesale na T-shirt ang hanap mo, sa Juan Luna street ang dapat na punta mo. Malapit sa Binondo church ang lugar sa Juan Luna street na panay wholesale na bentahan ng mga plain shirts at polo shirts. Dito ang motto ng mga tindahan ay “We accept T-shirt printing”.

Barong, Gowns Galore,Telang per-yarda at Baby Things

Kung nag titipid ka sa wedding dress mo o di kaya’y trip mo lang mag gown sa opisina mo, sa mga building sa tabi ng Tabora at Ilaya ang dapat na punta mo, Dito makaka pag pa made-to-order ka ng mga gowns pang kasal, o di kaya’y gowns na pang rampa. Mag dala ka lang ng isang page sa magazine na gusto mong ipakopya na gown at sila na ang bahala. Kung di ka naman prepared meron din silang catalogue ng mga gowns. Sa mura ng gowns dito, for the same price na ibabayad mo sa isang kilalang couturier, pwede mo nang i-request na budburan ng sequins at svarovsky yun gown mo or di kaya’y gawing isang milya ang haba ng veil mo.

Bukod sa gown, madami rin dito ang bentahan ng mga gamit para sa baby, rolyo-rolyong tela, mga whole sale T-shirt tulad sa Juan Luna at mga uniform pang eskwela. Minsan nga lang masakit sa mata yun chemical na maamoy mo sa mga rolyo ng tela. Kahit dumaan ka lang mapapansin mo ang hapdi sa iyong mata.

Bukod sa Tabora at Ilaya, meron din mga bentahan ng tela at pagawaan ng gowns sa kabilang side naman ng Recto, sa hilera ng Azcarraga.

Stuffed toys, toys na pang give-away, birthday party accessories at iba pang laruan

Kung galing ka ng Binondo, sa kanto palang ng Juan Luna, Ilaya at Sta. Elena, sasalubungin ka na ng mga stuffed-toys. In fairness magaganda naman yun quality ng stuffed toys na binebenta nila. Karamihan ng stuffed toys dito ay katulad ng mga prize na makukuha mo sa Time Zone.

Sta Elena st. Corner Juan Luna St.

Sta Elena st. Corner Juan Luna St.

Kung pang give-away naman sa birthday party ang hanap mo, sa New Divisoria Mall ang punta mo. Sa ilalim ng New Divisoria Mall, katabi ng wet market, dyan mo makikita ang tindahan ng mga laruan na tabi-tabi. Karaniwang klase ng laruan na mabibili dito ay yun mga maliliit lamang na laruan,na madalas naka bundle sa rubber band tulad ng mga card games na ‘Teks’ or naka plastic at nakadikit sa isang karton. Merong per kilo ang bentahan (katulad ng mga maliliit na plastic army figures, kutsara’t tinidor, etc) at meron din per dosena. Meron din mga ibat-ibang party accessories. Kailangan mo lang pag tyagaan ang sikip ng mga pasilyo. Minsan mas makakamura ka kung pupunta ka sa kaloob-looban ng mga pasilyo. Kung sa bandang hapon ka naman pupupunta doon, ay bilisan mo lang dahil bandang alas-sinko pa lang ng hapon ay nag sasara na ang karamihan ng tindahan doon.

Bukod sa ilalim ng New Divisoria Mall, meron din ilang stalls sa itaas ang nag bebenta ng mga party accessories tulad ng pabitin, party hats, pinyata at balloons. Doon medyo convenient ng kaunti dahil may aircon. Kaso nga lang mahirap hanapin yun mga stalls.

New Divisoria Center (Sta. Elena corner Tabora st.)

New Divisoria Center (Sta. Elena corner Tabora st.)

Katapat naman ng New Divisoria Mall ang isang building sa kanto ng Tabora at Sta. Elena ang New Divisoria Center. Sa second floor nito, marami din nag-bebenta ng mga laruan. Mas maluwag ng kaunti ang mga pasilyo dito. Mas marami din naman dito ang nag bebenta ng mga laruan na may kalakihan ang size, yun mga naka-kahon, may de-motor, gumagalaw, or yun mga naka vacum sealed na laruan, makakabili ka rin dito ng mga “bootlegs” na laruan or pirated/look-a-like na laruang galing China. May mga doll house na malalaki, mga kotseng plastic na pwedeng sakyan ng mga bata, mga baril, manyika at iba pa.

So kung maliit na pang birthday party loot bag ang hanap mo, mas marami ang nag bebenta nito sa ilalim ng New Divisoria Mall. Pero kung may kalakihan naman na pang prize sa party games ang hanap mo, sa New Divisoria Center ang mas maraming nag bebenta nito.

School Supplies at Novelty Items

Kung school supplies naman ang hanap mo, ang kahabaan ng Sto. Cristo at Quentin Paredes ang dapat na punta mo. Anong pinag kaiba ng dalawa? Kung gusto mo maginhawa na nakakapamili ng school supplies na wholesale, mas ok mamili sa Quentin Paredes, ito yun kalye na dadaanan mo kung galing ka ng City Hall ng Maynila at tinutumbok nito ang Binondo church. Kaso karamihan ng bentahan dito pang wholesale lang talaga. Marami din dito ang nag bebenta ng mga office equipments pati narin sports equipments.

Kung nasa lugar ka naman ng Recto, mas malapit naman ang Sto Cristo. Mula sa bungad ng Recto ay naka linya na ang mga nag bebenta ng school supplies sa kalye ng Sto Cristo.

Kung mga school supply na novelty items naman ang hanap mo. Yung mga pencil, eraser, ruler na may mga cartoon characters. Marami ang nag titinda nito sa first floor ng New Divisoria Mall.

Getting ready for the rain?

Wholesale na payong marami nyan sa New Divisoria Mall sa first floor. Mga rain coat, lona, canvass o trapal, sa kahabaan naman ng Recto sa tapat ng Tutuban mall meron nito. May ilan-ilan din nag nag bebenta sa may dulong bahagi ng Recto.

Carmen Planas st: Fruits

Carmen Planas st: Fruits at naka-pose pa talaga si Manong!

Fresh Fruits, Gulay, Fishda, Junk Foods at iba pa

Kahon kahon at all year round na available ang mga manasas, ponkan, orange, at iba pang prutas sa kahabaan ng Carmen Planas street. Per kahon ang bilihan dito, minsan may nag bebenta din ng paisa-isa.

Kung gusto mo naman maiyak sa dami ng sibuyas, sa kahabaan ng Recto mula sa kanto ng Sto Cristo papuntang Pier, may mga naka linya nang tindahan ng sako-sakong sibuyas. Dyan din sa lugar na yan ng Recto ang karaniwang bagsakan ng mga gulay.

Kung isda naman ang hanap mo sa New Divisoria Mall ang punta mo. Sa ilalim ng New Divisoria Mall ay bentahan ng mga isda at iba pang laman dagat.

Kropek, kendi, sitserya, at iba pang Junk Foods ang karaniwang binebenta sa kalahating bahagi ng Sto Cristo. Makakakita karin dito ng mga laruan na sa loob ay may lamang kendi, mga imported na kendi at iba pang junk foods. Siguraduhin lang na ang binibili mong pagkain ay hindi pa expired.

Plato, tasa, platito at baso pang hagis sa mister mo

Kung madalas kayong mag away ni mister at nauubos na ang mga plato sa bahay nyo, dito sa dulo ng Recto ang punta mo. Lagpas ng Sto Cristo, kahilera lang ng mga tindahang ng mga sibuyas ang mga tindahan ng babasagin na plato, tasa, platito at baso. Mag kabilang side ng Recto ang mga tindahan na pag pipilian mo.

Tabora st.: Lace, Ribbons, Handicrafts, Sewing Supplies

Tabora st.: Lace, Ribbons, Handicrafts, Sewing Supplies

Native Handicrafts, Figurines, Decors at Souvenirs

Sa kahabaan ng Tabora nakalinya bawat side ng kalye ang tindahan ng mga figurines, home decors at pang souvernirs. Sa loob naman ng mga building matatagpuan mo ang mga tindahan ng ribbons, lace at mga gamit pang-tahi. Kung trip mo naman gumawa ng sariling style ng home decor native handicrafts, meron din mga supplies na yan sa Tabora at meron din sa ilalim ng New Divisoria Mall.

Kolorete, ipit at tali sa buhok, suklay, blush-on at kyutiks

Maituturing na Paraiso ng mga Kikay on the budget ang first floor ng New Divisoria Mall. Dito mo makikita ang hile-hilerang tindahan ng kung ano-anong “kikay things”…. It’s like a “Kikay’s Heaven you know!” :) . Meron dyan bentahan ng ibat-ibang ipit at pan-tali sa buhok, make-up, lipstick, kyutiks at iba pang maisip mong pang pintura sa mukha mo.Syempre di mawawala ang mga made in China na blower, plantsa sa buhok at iba pa.

Bukod sa New Divisoria Mall, meron din mangilan-ngilan na tindahan ng mga parlor supplies sa mga building sa tabi ng Carmen Planas,Tabora at Ilaya.

Syempre marami pang ibang mga bagay na mabibili sa Divisoria at di lang naman limitado sa mga lugar na nabanggit ko. Pero kung di mo pa alam kung saan sa Divisoria maaring makakita ng hinahanap mong bibilhin, sana ay makatulong ito sayo at nang di ka mapagod sa kalalakad sa buong Divisoria.

DeliciousDiggTechnorati FavoritesMultiplyFacebookShare

Related Posts

  1. Divisoria Shopper’s Map (2011 Update): A guide on the whereabouts of the things you need to buy in Divisoria
  2. Divisoria Shopper’s Map: Commoner’s Commercial
  3. Curry, Hindi Adobo
  4. Identity Theft… hooooo are you… hooo… hooo… hooo.. hooo…
  5. Stoic Passion?

Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.


 
 

647 comments to Divisoria Shopper’s Map: A guide on the whereabouts of the things you need to buy in Divisoria

  • sana mayroon dito nagtitinda talaga from divisoria ng ibat ibang klaseng damit at tela para shipping cost nalang ang idadagdag…
    if ever po may nakakaalam na supplier talaga na may website from divisoria pakipm na man ako thank you..
    09105237203
    thanksss…

  • meekes

    @arama: meron mga gumawagawa ng handi crafts sa Tabora street near New Divi Mall. Gumagawa din sila ng mga souvenirs, try mo sa kanila

  • meekes

    @dhimple: Sorry no info on that

  • meekes

    @maricel: no info on liwanag candle; but there is a Godies candle shop in between abad santos and tutuban mall

  • meekes

    @lhey: sorry no info on that

  • meekes

    @aimee: meron nyan sa second floor or first floor ng 168 Mall, sa may middle area. Meron din sa tutuban mall

  • meekes

    @bethxhie: meron Godies candle along Recto, in between Abad Santos and Tutuban Mall

  • meekes

    @cherrylej: Sorry no info for the butterfly wings and towel cake topper, pero yun candies sa ilalim ng New Divi Mall meron and meron din sa Sto Cristo street

  • meekes

    @es: sorry no info on that also

  • meekes

    @tophee: sory no info on that

  • meekes

    @hannah: Sa Tabora ka pumuta, dun yun bilihan ng mga sewing supplies and bentahan ng tela

  • arama

    informative ‘tong divi map mo, thanks! ask ko lang kung saan pwde makabili ng souvenir for baby shower, pero gusto ko sana personalized kaya gusto ko mamili…thanks for the adv help!

  • dhimple

    hi ask ko lang kng meron ba sa divi yng small pouch na clear yung front side nya? yung pouch na pwede lagyan ng cosmetic products? tita ko kasi plan mag sell ng 1 set cosmetic products. d ko alam kng san makakabili ng pouch para pag lalagyan namin ng products na ibbenta. tnx

  • maricel

    where can i find liwanag candles in divisoria?

  • lhey

    san po baker’s choice s divisoria? or san ung area ng mga gmit pangbake? tnx

  • lhey

    alam nyo po b kung san ung baker’s choice s divi? tnx

  • aimee

    saan po ba sa divisoria makakabili ng artificial na bulaklak at dahon?

  • bethxhie

    hello. good day po.. san po ba bilihan ng mga candles?

  • cherrylej

    hello, napaka informative naman ng site mo, thank you for taking time to blog this ;p meron din po ako tanong, san kayang part ng divi makaka bili ng butterfly wings, towel cake topper, candies (yung super dami talang pagpipilian), themed dresses for girls, hehehe. thanks in advance ;p

  • es

    pls help me po kung saan ako makakabili ng mga glass containers na pwedeng lagyan ng ATSARA.

  • TOPHEE

    HI GUD PM SA LAHAT ANYONE NA MY ALAM NA MABIBILAN NG PERFUME BOTTLES SA DIVI WHOLE SALE PAKI TXT NAMN PO AKO MARAMING SALAMAT… TXT ME @ 09275658922 GLOBE OR 09333774498 SUN

  • TOPHEE

    san makakabili ng emprty bottles for perfumes.. whole sale.. tnx

  • hannah

    hello!san ako makakabili ng mura na yarda ng tela at mga lace? gusto ko malaman kung saan sa divisoria bibili kasi ako.,

  • yaj

    @meekes: actually divine mall talaga yung text sa’kin. malapit raw sa divisoria mall. but if you’re not familiar with divine mall probably divisoria mall na nga yun. good luck na lang sa paghahanap ko bukas. salamat!

  • meekes

    @yaj: From QCH go to Cubao Farmers. Ride the MRT2 going to Recto. From Recto MRT station ride a jeep going to Divisoria. Minsan yun jeep dumidiretso ng Tutuban Mall, minsan hindi. Lakarin mo na lang kung saan mag baba yun jeep. Yun Divine Mall na sinasabi mo I assume eh yun Divisoria Mall (New Divisoria Mall), from Tutuban Mall lakad ka pa papunta pier. Pwede ka kumaliwa on either Tabora, Carmen Planas, or Sto Cristo sts. Kahit ano dun tutumbukin yun New Divisoria Mall.

  • meekes

    @kidznme: sorry no info on that

  • meekes

    @paula: try mo yun mga stalls sa gitna ng Tabora at Ylaya st. Meron dun tindahan ng pang baby

  • yaj

    hi po. need help. kailangan ko pumunta sa Divine Mall within this week para magpasukat ng gown/dress. advice naman dyan kung pano ko madali mahahanap yun? manggagaling pa’ko ng quezon city hall. kaso since hindi ko alam papunta divi from QCH baka mag manila city hall muna ako.

  • kidznme

    san po may whole sale ng hdc blouses/shirt sa divi? thanks!

  • paula

    meron po ba sa divisoria na supplier ng ibat ibang klase ng pampers? tnx

  • meekes

    @lhey: Sorry no info about that sa Divisoria. Try mo sa Baker’s depot. May website yun Baker’s Depot, hanapin mo na lang yun branch na malapit sa inyo

  • meekes

    @Naj: Walang yata one stop shop para sa hinahanap mo. For the backdrop, look for the tarpaulin printing na stalls, marami nito 168 Mall, New Divisoria Mall. Tinkerbell related items, mahirap hanapin to. Pero try mo sa New Divisoria Mall, sa first or second floor may mga stalls na nag specialize sa party items, try mo.

  • meekes

    @celeste: Pa search po sa previous comments, may details ng bentahan ng packaging materials sa previous comments

  • meekes

    @ichikana: sorry no info on that

  • lhey

    hello.. san po ky s divi mkkbili ng lollipop stick? tnx

  • Naj

    hello urgent lang kasi sa friday lang ako makakapunta ng divi mall need na kasi maipadala sa SG yun mga party items next week so wala na balikan sa divi uli kaya gusto ko sana one stop shop na ang arangkada ko. i need to buy these items for a kiddie party:
    baka me nakadaan na sa inyo or nakakita saan meron nito mahirap kasi hagilapin isa isa pa yun mga stalls nakakaubos oras po. salamat eto yun mga items

    1.Party scene ( its the same as backdrop)
    2. banderitas na tinkerbell ang design
    3. towel na tinkerbell meron kaya?
    4. pencil na tinkerbell? if wala kahit plain green color nalang? nakita ko kasi pack in 20s yun mga pencils. na iba iba characters.
    5. Tinkerbell Party hats
    6. Tinkerbell candles

  • Celeste

    Hi po. saan po ba sa divisoria yung bilihan ng mga paper/plastic bags and other packaging materials. mag open kasi ako ng small business.tnx.

  • ichikana

    san sa divisoria madaming mabibli ng mga flavor ng shake?…. at anu anong mga best seller flavor ng shake?..

  • meekes

    @joan cris: towels and face towels: kahit saan meron nyan. Just ask around sa lugar. packaging: I think may napost na ako na same question about baking supplies, pa search na lang sa previous comments

  • meekes

    @almarie: regarding fabrics, yup sa divisoria marami. regarding hats, not sure kung saan meron sa divisoria

  • meekes

    @don: sa Tutuban Mall Cluster Bldg, dun meron mga animation character na shirts, pero not sure kung merong anime

  • meekes

    @lincon: Yun manequin sa may tondo near Jose Abad Santos station doon dati maraming nag bebenta. Di ko lang sure ngayon kung meron pa. Yun mga replica ng branded bags etc, try mo sa 168, doon madami mga fake na bags

  • meekes

    @cutebratt: sori I have no info on that specific item

  • joan cris

    san po makakabili ng whole sale na cupcake packaging/dome packaging/acetate box sa divisoria…
    san din nakakabili ng whole sale towels/face towels

  • Almarie Rose

    where sa divisoria ang pgawaan ng mga womans hats

  • Almarie Rose

    sa divisoria ba mkakakita ng mga good qualities of fabrics???

  • don

    san po sa divisoria yung store ng nga anime shirts etc?

  • good day po ask ko lang po sana kung saan po ako mka2bili ng maniquin na mura lng? and ung mga dress na pang botique?
    and pati na din mga relica ng mga branded na accessories& bags? ex.tiffany &Co, loui vuitton with box? wait ko po reply nio
    thanks po

  • cutebratt

    hello po… just want to ask kung sang part sa divi makakabili ng tinkerbell toys na pede ilagay sa souvenirs? ive been sa divi before pro la ako nakita na souvenir (tinkerbell theme) sa tabora. plan ko ako na lang gumawa, so what i need are those tinkerbell toys na pede ko gamitin… dun po kaya sa Andings Toy Store meron? plan ko po bumalik sa divi. Thanks!

  • meekes

    @jen samonte: wala ata nun sa divisoria. Try mo sa Baker’s Depot. Meron silang website. Try mo rin sa Goldilocks, may binebenta sila na cadied decor na pang dagdag sa cakes.

Leave a Reply

 

 

 

You can use these HTML tags

<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>