Papunta ka ba ng Divisoria?
Kung may listahan ka na ng bibilhin at kailangan mo na lang alamin kung saan mo matatagpuan ang mga bibilhin mo. Dyan kita pwedeng tulungan. Isa isahin natin ang mga lugar at mga bagay-bagay na mabibili mo sa Divisoria.
Quick Link:
- Damit na pang Japorms ba ang hanap mo?
- Wholesale na plain T-shirt
- Barong, Gowns Galore,Telang per-yarda at Baby Things
- Stuffed toys, toys na pang give-away, birthday party accessories at iba pang laruan
- School Supplies at Novelty Items
- Getting ready for the rain?
- Fresh Fruits, Gulay, Fishda, Junk Foods at iba pa
- Plato, tasa, platito at baso pang hagis sa mister mo
- Native Handicrafts, Figurines, Decors at Souvenirs
- Kolorete, ipit at tali sa buhok, suklay, blush-on at kyutiks
Damit na pang Japorms ba ang hanap mo?
Ito ang isang bagay na hindi mo na kailangan hanapin sa Divisoria. Bawat sulok ng Divisoria ay panay tindahan ng mga damit na pang ja-porms. Siguro depende na lang kung ano ang mas malapit sayong mall. Kung galing ka ng Recto o Abad Santos, swak sayo ang Tutuban Mall. Kung galing ka naman ng Reina Regente or Binondo, swak naman sayo ang 168 Mall, Meisic Mall, New Divisoria Mall at ang kahabaaan ng Juan Luna.
Wholesale na plain T-shirt
Kung wholesale na T-shirt ang hanap mo, sa Juan Luna street ang dapat na punta mo. Malapit sa Binondo church ang lugar sa Juan Luna street na panay wholesale na bentahan ng mga plain shirts at polo shirts. Dito ang motto ng mga tindahan ay “We accept T-shirt printing”.
Barong, Gowns Galore,Telang per-yarda at Baby Things
Kung nag titipid ka sa wedding dress mo o di kaya’y trip mo lang mag gown sa opisina mo, sa mga building sa tabi ng Tabora at Ilaya ang dapat na punta mo, Dito makaka pag pa made-to-order ka ng mga gowns pang kasal, o di kaya’y gowns na pang rampa. Mag dala ka lang ng isang page sa magazine na gusto mong ipakopya na gown at sila na ang bahala. Kung di ka naman prepared meron din silang catalogue ng mga gowns. Sa mura ng gowns dito, for the same price na ibabayad mo sa isang kilalang couturier, pwede mo nang i-request na budburan ng sequins at svarovsky yun gown mo or di kaya’y gawing isang milya ang haba ng veil mo.
Bukod sa gown, madami rin dito ang bentahan ng mga gamit para sa baby, rolyo-rolyong tela, mga whole sale T-shirt tulad sa Juan Luna at mga uniform pang eskwela. Minsan nga lang masakit sa mata yun chemical na maamoy mo sa mga rolyo ng tela. Kahit dumaan ka lang mapapansin mo ang hapdi sa iyong mata.
Bukod sa Tabora at Ilaya, meron din mga bentahan ng tela at pagawaan ng gowns sa kabilang side naman ng Recto, sa hilera ng Azcarraga.
Stuffed toys, toys na pang give-away, birthday party accessories at iba pang laruan
Kung galing ka ng Binondo, sa kanto palang ng Juan Luna, Ilaya at Sta. Elena, sasalubungin ka na ng mga stuffed-toys. In fairness magaganda naman yun quality ng stuffed toys na binebenta nila. Karamihan ng stuffed toys dito ay katulad ng mga prize na makukuha mo sa Time Zone.
Kung pang give-away naman sa birthday party ang hanap mo, sa New Divisoria Mall ang punta mo. Sa ilalim ng New Divisoria Mall, katabi ng wet market, dyan mo makikita ang tindahan ng mga laruan na tabi-tabi. Karaniwang klase ng laruan na mabibili dito ay yun mga maliliit lamang na laruan,na madalas naka bundle sa rubber band tulad ng mga card games na ‘Teks’ or naka plastic at nakadikit sa isang karton. Merong per kilo ang bentahan (katulad ng mga maliliit na plastic army figures, kutsara’t tinidor, etc) at meron din per dosena. Meron din mga ibat-ibang party accessories. Kailangan mo lang pag tyagaan ang sikip ng mga pasilyo. Minsan mas makakamura ka kung pupunta ka sa kaloob-looban ng mga pasilyo. Kung sa bandang hapon ka naman pupupunta doon, ay bilisan mo lang dahil bandang alas-sinko pa lang ng hapon ay nag sasara na ang karamihan ng tindahan doon.
Bukod sa ilalim ng New Divisoria Mall, meron din ilang stalls sa itaas ang nag bebenta ng mga party accessories tulad ng pabitin, party hats, pinyata at balloons. Doon medyo convenient ng kaunti dahil may aircon. Kaso nga lang mahirap hanapin yun mga stalls.
Katapat naman ng New Divisoria Mall ang isang building sa kanto ng Tabora at Sta. Elena ang New Divisoria Center. Sa second floor nito, marami din nag-bebenta ng mga laruan. Mas maluwag ng kaunti ang mga pasilyo dito. Mas marami din naman dito ang nag bebenta ng mga laruan na may kalakihan ang size, yun mga naka-kahon, may de-motor, gumagalaw, or yun mga naka vacum sealed na laruan, makakabili ka rin dito ng mga “bootlegs” na laruan or pirated/look-a-like na laruang galing China. May mga doll house na malalaki, mga kotseng plastic na pwedeng sakyan ng mga bata, mga baril, manyika at iba pa.
So kung maliit na pang birthday party loot bag ang hanap mo, mas marami ang nag bebenta nito sa ilalim ng New Divisoria Mall. Pero kung may kalakihan naman na pang prize sa party games ang hanap mo, sa New Divisoria Center ang mas maraming nag bebenta nito.
School Supplies at Novelty Items
Kung school supplies naman ang hanap mo, ang kahabaan ng Sto. Cristo at Quentin Paredes ang dapat na punta mo. Anong pinag kaiba ng dalawa? Kung gusto mo maginhawa na nakakapamili ng school supplies na wholesale, mas ok mamili sa Quentin Paredes, ito yun kalye na dadaanan mo kung galing ka ng City Hall ng Maynila at tinutumbok nito ang Binondo church. Kaso karamihan ng bentahan dito pang wholesale lang talaga. Marami din dito ang nag bebenta ng mga office equipments pati narin sports equipments.
Kung nasa lugar ka naman ng Recto, mas malapit naman ang Sto Cristo. Mula sa bungad ng Recto ay naka linya na ang mga nag bebenta ng school supplies sa kalye ng Sto Cristo.
Kung mga school supply na novelty items naman ang hanap mo. Yung mga pencil, eraser, ruler na may mga cartoon characters. Marami ang nag titinda nito sa first floor ng New Divisoria Mall.
Getting ready for the rain?
Wholesale na payong marami nyan sa New Divisoria Mall sa first floor. Mga rain coat, lona, canvass o trapal, sa kahabaan naman ng Recto sa tapat ng Tutuban mall meron nito. May ilan-ilan din nag nag bebenta sa may dulong bahagi ng Recto.
Fresh Fruits, Gulay, Fishda, Junk Foods at iba pa
Kahon kahon at all year round na available ang mga manasas, ponkan, orange, at iba pang prutas sa kahabaan ng Carmen Planas street. Per kahon ang bilihan dito, minsan may nag bebenta din ng paisa-isa.
Kung gusto mo naman maiyak sa dami ng sibuyas, sa kahabaan ng Recto mula sa kanto ng Sto Cristo papuntang Pier, may mga naka linya nang tindahan ng sako-sakong sibuyas. Dyan din sa lugar na yan ng Recto ang karaniwang bagsakan ng mga gulay.
Kung isda naman ang hanap mo sa New Divisoria Mall ang punta mo. Sa ilalim ng New Divisoria Mall ay bentahan ng mga isda at iba pang laman dagat.
Kropek, kendi, sitserya, at iba pang Junk Foods ang karaniwang binebenta sa kalahating bahagi ng Sto Cristo. Makakakita karin dito ng mga laruan na sa loob ay may lamang kendi, mga imported na kendi at iba pang junk foods. Siguraduhin lang na ang binibili mong pagkain ay hindi pa expired.
Plato, tasa, platito at baso pang hagis sa mister mo
Kung madalas kayong mag away ni mister at nauubos na ang mga plato sa bahay nyo, dito sa dulo ng Recto ang punta mo. Lagpas ng Sto Cristo, kahilera lang ng mga tindahang ng mga sibuyas ang mga tindahan ng babasagin na plato, tasa, platito at baso. Mag kabilang side ng Recto ang mga tindahan na pag pipilian mo.
Native Handicrafts, Figurines, Decors at Souvenirs
Sa kahabaan ng Tabora nakalinya bawat side ng kalye ang tindahan ng mga figurines, home decors at pang souvernirs. Sa loob naman ng mga building matatagpuan mo ang mga tindahan ng ribbons, lace at mga gamit pang-tahi. Kung trip mo naman gumawa ng sariling style ng home decor native handicrafts, meron din mga supplies na yan sa Tabora at meron din sa ilalim ng New Divisoria Mall.
Kolorete, ipit at tali sa buhok, suklay, blush-on at kyutiks
Maituturing na Paraiso ng mga Kikay on the budget ang first floor ng New Divisoria Mall. Dito mo makikita ang hile-hilerang tindahan ng kung ano-anong “kikay things”…. It’s like a “Kikay’s Heaven you know!”
. Meron dyan bentahan ng ibat-ibang ipit at pan-tali sa buhok, make-up, lipstick, kyutiks at iba pang maisip mong pang pintura sa mukha mo.Syempre di mawawala ang mga made in China na blower, plantsa sa buhok at iba pa.
Bukod sa New Divisoria Mall, meron din mangilan-ngilan na tindahan ng mga parlor supplies sa mga building sa tabi ng Carmen Planas,Tabora at Ilaya.
Syempre marami pang ibang mga bagay na mabibili sa Divisoria at di lang naman limitado sa mga lugar na nabanggit ko. Pero kung di mo pa alam kung saan sa Divisoria maaring makakita ng hinahanap mong bibilhin, sana ay makatulong ito sayo at nang di ka mapagod sa kalalakad sa buong Divisoria.
Related Posts
- Divisoria Shopper’s Map (2011 Update): A guide on the whereabouts of the things you need to buy in Divisoria
- Divisoria Shopper’s Map: Commoner’s Commercial
- Curry, Hindi Adobo
- Identity Theft… hooooo are you… hooo… hooo… hooo.. hooo…
- Stoic Passion?
Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.







How To Make an Ostrich Rider Costume
Jose Rizal: The Little Bad Boy in Brussels
Alluring Atulayan Island
Divisoria Shopper’s Map (2011 Update): A guide on the whereabouts of the things you need to buy in Divisoria
How to Make Plants vs Zombies Costume
Plants vs Zombies Halloween Costume


@zel: No info on that. Try mo na lang patahi sa divisoria ng costume. Mag dala ka lang ng picture ng papagaya mo, kaya nila gayahin yun. Yun mga mananahi sa divisoria, karamihan naka pwesto sa Tabora, Ylaya
gud day! maaari ko bang malaman kung saang lugar sa divisoria ang merong nagtitinda ng mga decor para sa cakes at cupcakes, like yung mga candied flowers, etc…. edible at hindi edible? tanx!
san b nkkbli ng costume n vegetable o kya fruits? pambata.and magkno? reply asap. t.y.
@cruzyen: wala ata sa divisoria yun. Subukan mo sa Aranque market along Recto in between Rizal Avenue and Abad Santos. Dun nag bebenta ng mga pet. Subukan mo rin sa Cartimar, Pasay.
@jopay: Wala nabibili ng ganung costume sa Divisoria. Pwede mo ipagawa sa mga nag tatahi sa Divisoria, mag dala ka lang ng picture na pwede nilang pag gayahan. Usually yun mga nag tatahi sa Divisoria nasa mga bilihan ng Tela tulad ng sa Tabora
@fishbone: sa Juan Luna may mga nag bebenta na nun sa sidewalk. Sa Sta Elena st, meron din, at subukan mo rin sa New Divisoria Center at New Divisoria Mall
@lesley: Thanks!
@chev: sorry no info on that
@lhey: try mo sa ilalim ng New Divisoria Mall, yun mga nag bebenta ng laruan
@pinky: lahat ng mga shopping malls sa divisoria may nag bebenta ng dress pang boutique
@marichu: sa tabora and juan luna may mga bilihan ng pang parlor. May posting na rin ako ng parlor supplies sa comments section
@janice: thanks!
@mark: sa ilalim ng New Divisoria Mall and New Divisoria Center kung saan nag bebenta ng laruan.
@michael timanel: sorry no info on that
@jen: Deretso ka sa mga stalls sa tabora, karaniwan yun nag bebenta ng tela, may mga katabing pagawaan ng mga uniform and gowns
where can i find pet supplies in divisoria? collars, leash, pet apparels, cages, pet carriers, bed, etc. tnx in advance!
hi! saan po ba maaring makabili ng prutas or gulay na costumes para sa Nutrition month? thanks! more power!
san po ba may store ng character toys tulad ng sa dragonball at one piece sa divisoria.kindly pm din po ako ng sagot.thanks and mabuhay.
Taga Divisoria ako kaya natuwa at naaliw akong basahin itong post mo. Very helpful, quite accurate and detailed!
hello there! san kaya s divisoria ang bilihan ng whole price ng mga plastic bootles for perfumes(refill).ung lht ng sizes meron n cla. thanks hope you can help me.
hi.. and2 n nman ako
may nagbebenta ky s divi ng mga paper dolls? if ever, saan? tnx.
hi! san po gawi s DV ung mga wholesaler dresses n pang business s boutique?
hey great blog! very useful thanks! =)
saan ako makabili ng lahat ng gamit pang parlo?
Uy panalo ang blog mo ha.
salamat sa info about salon supplies.
Hi
gusto ko lng malaman if saan ako makakabili ng wholesale na price for party favors and balloons coz I am a party planner so I’ll be needinga stocks for my upcoming events..
thanks
san bilihan ng wholesale na helmet,riding gears at jacket
hi… where can i find grade school white polo uniforms and long pants in Divisoria? Medyo limited po kasi ang time ko so I wanna go directly to the stalls which sell these items…hope you can help me.. Thanks..
@juju: meron sumagot sa earlier post about keychains kung saan nakakabili. Try mo na lang isearch sa previous comments
@sheryl: sa baker’s depot meron mga packaging for baked goods. Meron sila website and branches sa mga mall. One branch is nasa Walter Mart Makati. Try mo na lang puntahan website nila for other branches
@sheryl: sa baker’s depot meron mga packaging for baked goods. Meron sila website and branches sa mga mall. One branch is nasa Walter Mart Makati. Try mo na lang puntahan website nila for other branches
@diane: yun mga baloons, pede mo hanapin sa New Divisoria Center, kung saan yun mga bilihan ng laruan. Try mo rin sa New Divisoria Mall, sa ilalim sa wet market, may katabing bilihan ng laruan, meron din nag bebenta dun ng baloons. Or try mo rin sa itaas na floors nun New Divisoria Mall, sa mga party favors
@lhey: try mo sa tabora. Hindi ko lang sure kung meron nun hinahanap mo na baby figure. Pede mo rin i-inquire sa Papemelroti, na try ko na mag order sa kanila ng souvernir, reasonable naman price nila.
Tanong ko lang po kung may alam kayo nabibilihan ng anime samurai swords keychain? salamat
patulong naman po san po makikita ung nag whowholesale ng mga cupcakes dome packaging,or basta related sa mga cupcakes and chocolates boxes or packaging.salamat po
ask ko lang kung san makabili ng baloons gagamitin pang decor sa ark.
thanks
hello.. would u know kung sa bilihan ng mga souvenirs nagbebenta cla nung halimbawa ung baby figure n nila2gay s mga souvenirs? yun lng kc nid ko.. tnx, tnx.
@ester: sorry no info on the perfume raw materials
@merecel: Sorry no info on those items
@leigh: Sa juan luna street malapit sa binondo church maraming bentahan ng wholesale shirt, pede ka umorder and then sa kanila mo rin ipa-print yun design ng shirt mo
am again, goodday, please give me the exact name and address sa store sa divisoria selling raw materials and bottles for perfume am from cagayan de oro planning to fly nxweek, please ester
ur collum is very informative,saan tayo mabili ng perfumed raw materials at bottles fpr perfumed sa divisoria thanks ester
where nabibili ung food extenders like tvp, qualicel at versagel? pati na rin french fries, mayo at catsup. ung mura ha? thanks
san po b makakahanap ng personalized t-shirt for a birthday party
@bei: yun mga junk foods usually meron sa Sto Cristo street. Not sure lang if meron sila mga gummy candies.
@edilberto: I think may nag tanong na rin about sa sako ng bigas and may reply ata ako. Pede mo i search na lang sa sulit.com.ph or olx.com or db88.com for suppliers ng used na sako
san po makakabili ng mga gummy candies sa divisoria?
tnx po..
pwede po malaman kung san mkabili ng malaking sako ung bang pang feeds ang laki at plane lang.
@Eugene: Kung name plate pins yun hanap mo, marami sa recto area malapit sa isetan recto.