Papunta ka ba ng Divisoria?
Kung may listahan ka na ng bibilhin at kailangan mo na lang alamin kung saan mo matatagpuan ang mga bibilhin mo. Dyan kita pwedeng tulungan. Isa isahin natin ang mga lugar at mga bagay-bagay na mabibili mo sa Divisoria.
Quick Link:
- Damit na pang Japorms ba ang hanap mo?
- Wholesale na plain T-shirt
- Barong, Gowns Galore,Telang per-yarda at Baby Things
- Stuffed toys, toys na pang give-away, birthday party accessories at iba pang laruan
- School Supplies at Novelty Items
- Getting ready for the rain?
- Fresh Fruits, Gulay, Fishda, Junk Foods at iba pa
- Plato, tasa, platito at baso pang hagis sa mister mo
- Native Handicrafts, Figurines, Decors at Souvenirs
- Kolorete, ipit at tali sa buhok, suklay, blush-on at kyutiks
Damit na pang Japorms ba ang hanap mo?
Ito ang isang bagay na hindi mo na kailangan hanapin sa Divisoria. Bawat sulok ng Divisoria ay panay tindahan ng mga damit na pang ja-porms. Siguro depende na lang kung ano ang mas malapit sayong mall. Kung galing ka ng Recto o Abad Santos, swak sayo ang Tutuban Mall. Kung galing ka naman ng Reina Regente or Binondo, swak naman sayo ang 168 Mall, Meisic Mall, New Divisoria Mall at ang kahabaaan ng Juan Luna.
Wholesale na plain T-shirt
Kung wholesale na T-shirt ang hanap mo, sa Juan Luna street ang dapat na punta mo. Malapit sa Binondo church ang lugar sa Juan Luna street na panay wholesale na bentahan ng mga plain shirts at polo shirts. Dito ang motto ng mga tindahan ay “We accept T-shirt printing”.
Barong, Gowns Galore,Telang per-yarda at Baby Things
Kung nag titipid ka sa wedding dress mo o di kaya’y trip mo lang mag gown sa opisina mo, sa mga building sa tabi ng Tabora at Ilaya ang dapat na punta mo, Dito makaka pag pa made-to-order ka ng mga gowns pang kasal, o di kaya’y gowns na pang rampa. Mag dala ka lang ng isang page sa magazine na gusto mong ipakopya na gown at sila na ang bahala. Kung di ka naman prepared meron din silang catalogue ng mga gowns. Sa mura ng gowns dito, for the same price na ibabayad mo sa isang kilalang couturier, pwede mo nang i-request na budburan ng sequins at svarovsky yun gown mo or di kaya’y gawing isang milya ang haba ng veil mo.
Bukod sa gown, madami rin dito ang bentahan ng mga gamit para sa baby, rolyo-rolyong tela, mga whole sale T-shirt tulad sa Juan Luna at mga uniform pang eskwela. Minsan nga lang masakit sa mata yun chemical na maamoy mo sa mga rolyo ng tela. Kahit dumaan ka lang mapapansin mo ang hapdi sa iyong mata.
Bukod sa Tabora at Ilaya, meron din mga bentahan ng tela at pagawaan ng gowns sa kabilang side naman ng Recto, sa hilera ng Azcarraga.
Stuffed toys, toys na pang give-away, birthday party accessories at iba pang laruan
Kung galing ka ng Binondo, sa kanto palang ng Juan Luna, Ilaya at Sta. Elena, sasalubungin ka na ng mga stuffed-toys. In fairness magaganda naman yun quality ng stuffed toys na binebenta nila. Karamihan ng stuffed toys dito ay katulad ng mga prize na makukuha mo sa Time Zone.
Kung pang give-away naman sa birthday party ang hanap mo, sa New Divisoria Mall ang punta mo. Sa ilalim ng New Divisoria Mall, katabi ng wet market, dyan mo makikita ang tindahan ng mga laruan na tabi-tabi. Karaniwang klase ng laruan na mabibili dito ay yun mga maliliit lamang na laruan,na madalas naka bundle sa rubber band tulad ng mga card games na ‘Teks’ or naka plastic at nakadikit sa isang karton. Merong per kilo ang bentahan (katulad ng mga maliliit na plastic army figures, kutsara’t tinidor, etc) at meron din per dosena. Meron din mga ibat-ibang party accessories. Kailangan mo lang pag tyagaan ang sikip ng mga pasilyo. Minsan mas makakamura ka kung pupunta ka sa kaloob-looban ng mga pasilyo. Kung sa bandang hapon ka naman pupupunta doon, ay bilisan mo lang dahil bandang alas-sinko pa lang ng hapon ay nag sasara na ang karamihan ng tindahan doon.
Bukod sa ilalim ng New Divisoria Mall, meron din ilang stalls sa itaas ang nag bebenta ng mga party accessories tulad ng pabitin, party hats, pinyata at balloons. Doon medyo convenient ng kaunti dahil may aircon. Kaso nga lang mahirap hanapin yun mga stalls.
Katapat naman ng New Divisoria Mall ang isang building sa kanto ng Tabora at Sta. Elena ang New Divisoria Center. Sa second floor nito, marami din nag-bebenta ng mga laruan. Mas maluwag ng kaunti ang mga pasilyo dito. Mas marami din naman dito ang nag bebenta ng mga laruan na may kalakihan ang size, yun mga naka-kahon, may de-motor, gumagalaw, or yun mga naka vacum sealed na laruan, makakabili ka rin dito ng mga “bootlegs” na laruan or pirated/look-a-like na laruang galing China. May mga doll house na malalaki, mga kotseng plastic na pwedeng sakyan ng mga bata, mga baril, manyika at iba pa.
So kung maliit na pang birthday party loot bag ang hanap mo, mas marami ang nag bebenta nito sa ilalim ng New Divisoria Mall. Pero kung may kalakihan naman na pang prize sa party games ang hanap mo, sa New Divisoria Center ang mas maraming nag bebenta nito.
School Supplies at Novelty Items
Kung school supplies naman ang hanap mo, ang kahabaan ng Sto. Cristo at Quentin Paredes ang dapat na punta mo. Anong pinag kaiba ng dalawa? Kung gusto mo maginhawa na nakakapamili ng school supplies na wholesale, mas ok mamili sa Quentin Paredes, ito yun kalye na dadaanan mo kung galing ka ng City Hall ng Maynila at tinutumbok nito ang Binondo church. Kaso karamihan ng bentahan dito pang wholesale lang talaga. Marami din dito ang nag bebenta ng mga office equipments pati narin sports equipments.
Kung nasa lugar ka naman ng Recto, mas malapit naman ang Sto Cristo. Mula sa bungad ng Recto ay naka linya na ang mga nag bebenta ng school supplies sa kalye ng Sto Cristo.
Kung mga school supply na novelty items naman ang hanap mo. Yung mga pencil, eraser, ruler na may mga cartoon characters. Marami ang nag titinda nito sa first floor ng New Divisoria Mall.
Getting ready for the rain?
Wholesale na payong marami nyan sa New Divisoria Mall sa first floor. Mga rain coat, lona, canvass o trapal, sa kahabaan naman ng Recto sa tapat ng Tutuban mall meron nito. May ilan-ilan din nag nag bebenta sa may dulong bahagi ng Recto.
Fresh Fruits, Gulay, Fishda, Junk Foods at iba pa
Kahon kahon at all year round na available ang mga manasas, ponkan, orange, at iba pang prutas sa kahabaan ng Carmen Planas street. Per kahon ang bilihan dito, minsan may nag bebenta din ng paisa-isa.
Kung gusto mo naman maiyak sa dami ng sibuyas, sa kahabaan ng Recto mula sa kanto ng Sto Cristo papuntang Pier, may mga naka linya nang tindahan ng sako-sakong sibuyas. Dyan din sa lugar na yan ng Recto ang karaniwang bagsakan ng mga gulay.
Kung isda naman ang hanap mo sa New Divisoria Mall ang punta mo. Sa ilalim ng New Divisoria Mall ay bentahan ng mga isda at iba pang laman dagat.
Kropek, kendi, sitserya, at iba pang Junk Foods ang karaniwang binebenta sa kalahating bahagi ng Sto Cristo. Makakakita karin dito ng mga laruan na sa loob ay may lamang kendi, mga imported na kendi at iba pang junk foods. Siguraduhin lang na ang binibili mong pagkain ay hindi pa expired.
Plato, tasa, platito at baso pang hagis sa mister mo
Kung madalas kayong mag away ni mister at nauubos na ang mga plato sa bahay nyo, dito sa dulo ng Recto ang punta mo. Lagpas ng Sto Cristo, kahilera lang ng mga tindahang ng mga sibuyas ang mga tindahan ng babasagin na plato, tasa, platito at baso. Mag kabilang side ng Recto ang mga tindahan na pag pipilian mo.
Native Handicrafts, Figurines, Decors at Souvenirs
Sa kahabaan ng Tabora nakalinya bawat side ng kalye ang tindahan ng mga figurines, home decors at pang souvernirs. Sa loob naman ng mga building matatagpuan mo ang mga tindahan ng ribbons, lace at mga gamit pang-tahi. Kung trip mo naman gumawa ng sariling style ng home decor native handicrafts, meron din mga supplies na yan sa Tabora at meron din sa ilalim ng New Divisoria Mall.
Kolorete, ipit at tali sa buhok, suklay, blush-on at kyutiks
Maituturing na Paraiso ng mga Kikay on the budget ang first floor ng New Divisoria Mall. Dito mo makikita ang hile-hilerang tindahan ng kung ano-anong “kikay things”…. It’s like a “Kikay’s Heaven you know!”
. Meron dyan bentahan ng ibat-ibang ipit at pan-tali sa buhok, make-up, lipstick, kyutiks at iba pang maisip mong pang pintura sa mukha mo.Syempre di mawawala ang mga made in China na blower, plantsa sa buhok at iba pa.
Bukod sa New Divisoria Mall, meron din mangilan-ngilan na tindahan ng mga parlor supplies sa mga building sa tabi ng Carmen Planas,Tabora at Ilaya.
Syempre marami pang ibang mga bagay na mabibili sa Divisoria at di lang naman limitado sa mga lugar na nabanggit ko. Pero kung di mo pa alam kung saan sa Divisoria maaring makakita ng hinahanap mong bibilhin, sana ay makatulong ito sayo at nang di ka mapagod sa kalalakad sa buong Divisoria.
Related posts:
- Curry, Hindi Adobo Kung nagkataon pala na hindi dumating ang mga muslim at...
- Identity Theft… hooooo are you… hooo… hooo… hooo.. hooo… Si Empoy, naging biktima din ng Identitiy Theft nang gamitin...
- Stoic Passion? Bakit nga ba? Nung minsan may kinuwento sakin yun ka-officemate...
- Book Review: (George Soros) The New Paradigm for Financial Markets. Nose bleed ito! Rated as the best selling, clinically prescribed book for insomniacs...
- Off To Nether-Netherlands! Kanta ng Metallica na ‘Enter Sandman’ ang parating kinakanta ng...
Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.








Good Customer Service at HostingPhil.com
Reliving Francisco Dagohoy’s Legend at EAT Danao
Alona Beach, Panglao Island: Teeming with Marine Life
The Hanging Bridge, Simple Yet Fun
Baclayon Church: A Long Walk Away

Mga bossing san po sa Divisoria yung bilihan ng Pearl Shake Powder? Thanks in advance
Mga bossing san po sa Divisoria yung bilihan ng Pearl Shake Power? Thanks in advance
where can I but baking materials here in divisoria? pls. help.. thnx
Where can you buy stuff for a “dirty ice cream” business? like ice cream scoopers, stainless steel containers, apa, plastic cups, powdered milk, etc.
Hi ok tong site nato. matagal nako naghahanap ng matatanungan about sa divisoria.
Ask ko lang kung saan makakabili (if ever na meron) ng mga raw materials for perfume making sa divisoria? Tsaka yung mga bottles na rin para sa perfume yung mga forsted bottles.
Thnx in advance, and i reallt appreciate for your quick response.
Hi, it’s me again. My son’s an anime fanatic. I used to get him some anime stuffs at 168. Though anime stores are cropping up by the minute at 168, but most of the stuffs (figurines, keychains, necklaces, etc.)that they sell are the same. Do you know of any store that sells unique anime stuffs? I’d appreciate an answer.
@charmaine: Yun mga nag bebenta ng tela sa Tabora, Ylaya, at sa other side ng recto, (Right side ng Recto, tapat ng Tabora, Ylaya street coming from Tutuban Mall), may mga shops sa loob nun na nag tatahi ng wedding gowns. Yun Pashmina, meron nyan sa 168 Mall, New Divisoria Mall, pero baka kaunti lang yun stalls na meron ng pashmina
Hi, Meekes. Thanks a lot. Am at Canada right now, and tried to look for the laces that I wanted. Turned out that the shop (Fabricland) that I went to sold only a few selections, and at what a price, made in China at that. Definitely will go to Tabora on my way home to Cagayan de Oro. Thanks a lot again.
ask ko lang po if saan makakabili ng murang wedding gown sa divisoria at fashmina (sheoul)
Ask ko lang po if saan my murang wedding gown at fashmina(sheoul) sa divisoria
@Leng: Sorry Leng, I think you cannot find all the things you need in one stall or mall alone. I’m not so sure either if shops in Divisoria have online catalogs or websites. But, most of the stores do cater for orders via phone. For Toys, you can call Anding’s Toy store ( I have posted the store’s contact information on one of my replies in this topic, or you can just google the store’s name), my cousin who used to also sell general merchandise in Olongapo, order toys at Anding’s via phone and they just pick-up the toys at a certain date. Or you can also go to the New Divisoria Center where all toy stores are located (this is just beside New Divisoria Mall)
Ordering via phone is easy for toys because you need not worry about the design, where as RTW, bags and shoes, I believe you have to go to the store directly ( I assume none of the stores in Divisoria offer online catalog of their products) and choose the style you’d want to buy.
For RTW and bags you can go to Tutuban Mall, 168 Mall and New Divisoria Mall. For shoes, Divisoria I think is not the place to go, the better place is Baclaran where most of the Marikina and other locally made shoes are being sold wholesale. My family used to buy wholesale shoes there in the 80’s and we act as distributor for shoes in the provinces ( I used to go to Tarlac, Urdaneta, and San Fernando La Union Market). I don’t have specific info on locations of these stores but you can start scouring for them from the area of LRT terminal towards FB Harrison and to the streets of Aguarra and Bayanihan. In the 80’s most of the shops are located in Aguarra and Bayanihan, I’m not sure now if most of the shops can still be found in that area. You can also buy your RTW and bag items there wholesale.
@romel: sorry no specific info on t-shirt distributors. However, most of the t-shirt shops are located along Juan Luna, near Binondo church. You can scour that area and haggle for discounts
@lydia: You can find laces in shops located at Tabora street. These shops also sell other sewing equipment. Most of these shops are located near the Recto side of Tabora
Hi, your blogs are really helpful. Just wanna ask if where can I find wholesale items ( RTW, toys, bags, shoes ) in just one stall or mall na magbibigay ng price listing( Wholesale)para i could shop online and then for pick-up na lang yung mga items na binili ko. I’m into a gen.merchandise ( La Union ) and I plan to open 1st week of August. Thanks in advance.
im looking for a t-shirt distributor
Hi there! I’m coming to Manila soon. Where can I find beautiful laces, like the ones they use for signaature blouses?
@yam: Wholesale na laruan sa New Divisoria Center and sa wet market section ng New Divisoria Mall. Magkatabi lang yun 2 building na yun. With regards sa pag order ng txt and bayad thru bank, I think pede naman yun sa mga shops sa divisoria, pero kailangan mo nga lang cguro makipag transact face-to-face on the first transaction, then afterwards, pede mo i-arrange na via text and bank to bank payments na lang transactions nyo.
san po ba nakakabili ng mga wholesale n laruan at mga candy na pede pambenta? at ung pede text n lang pg order at bank to bank ang payment?
@lani: you’re welcome!
@rain: Sori no info on that, pero may bentahan ng platic flowers sa 168 Mall, baka meron din sila binebenta na plastic flower pots. Yun gift wrappers, sa Sto Cristo street ka makakabili nun sa shops na nag bebenta ng school supplied, yun yung street after ng national historical marker ni Bonifacio along Recto,medyo dulo na ng Recto yun. Subukan mo tumawad kung madami ka bibilhin, nag bibigay sila ng discount. Yun commoner, nasa Ylaya street
slamat kbyan…
san po sa divisoria makakabili ng mga plastic flower pots yung maliliit lang saka mga gift wrapper na mura lang saka po san po yung commoners?
@Cherry Gaylan: Yup, try mo sa New Divisoria Center, sa tapat ng new Divisoria Mall, Sta Elena cor Tabora. Isang buong building yun ng puro laruan. Palagay ko mayron naman nag bebenta ng tranformers dun either bootlegged/Japeyks or original.
@April: Sa mga stalls ng Tabora at Ilaya, yun area ng bentahan ng tela, may mga gumagawa ng gowns dun
@mishel: try mo sa New Divisoria Mall and sa mga store along Juan Luna street.
@lani: Sorry po, di ko alam yun exact location, pero meron mga stores sa mga bilihan ng tela (yun mga stalls sa Tabora, Ilaya) na nag bebenta ng different uniforms. Isa sa mga nakita ko na binebenta nila ay chef’s uniform. Pero actually, yun mga gumagawa ng gowns, tumatanggap din sila ng patahi ng kahit anong uniform or damit. Pede mo na lang ipa-kontrata sa kanila yun pag gawa ng Toque kung wala ka makita store with ready made toque.
@janelisha: Try mo yun shop na Baker’s Depot. May mga packaging materials sila for baked goods. Marami silang branches, check mo na lang yun store locations nila dito http://bakersdepot.blogspot.com
this is very helpful…may mga bilihan din ba dun ng murang transformer toys?
pwede ba ktang katxmate
kumain kna
Itanong ko kung saan makakita ng murang pang 7 year old cotillion gowns?
where can i buy nice quality face and handtowels for giveways? assorted colors thanks
gud am. san makabili ng toque,(chefs hat) pang kids.do u know where in divisoria area. salamat..
san ba nakkabili or nakakapagpagawa ng individual packaging ng cupcake. tnx..
@edralyn: Sorry, not sure kung meron ganun sa Divisoria, probably meron mangilan-ilan na nag bebenta pero di ko po alam kung saan. Better na try mo na lang tumingin sa mga home depot stores like yun Wilcon along Edsa sa Balintawak area (from Munoz going to Caloocan sa right side yun mga home depot shops)
@gooby: Sorry, not sure kung meron nag bebenta ng ganun sa Divisoria. I would suggest na i-consider mo na lang gumawa ng sarili mong wire mesh, rather than mapagod ka na mag ikot at mag hanap sa Divisoria, usually available naman yun ganung klaseng mesh sa malalaking hardware stores (yun mga makakapal na bakal na version ng chicken wires). Or other suggestion is kung may mga welding shops na malapit sa inyo, yun mga gumagawa ng bakal na bintana at gate, pede mo ipa-kontrata sa kanila yun pag gawa nun mesh sa sukat na gusto mo. Hope this helps
@mike: Yup, may nakita ko mga exercise equipment sa 168 Mall dati, but di ko sure kung meron pa ngayon. Pwede mo rin i-check sa tutuban mall, yun building na dating train station, dun kasi usually madaming mga stalls na maliliit na sari sari yun binebenta, sometimes mga exercise equipments na nakikita sa home tv shopping. Pero kung nag hahanap ka nun mga usual exercise equipments, like stationary bikes, weights, madalang or baka walang nag bebenta ng ganun sa divisoria, better kung sa mga sports equipment shops ka na lang bumili.
Pwede mo rin pala i-check yun kahabaan ng Quintin Paredes, yun mga bilihan ng school supplies malapit sa binondo church, meron din kasi dun nag bebenta ng sporting goods like basketball, volleyball, so baka sakali lang na nag bebenta din sila ng exercise equipments.
Regarding sa CD bag, yup meron din nag bebenta ng CD bag sa divisoria, pero madalang yun nakita ko nag bebenta ng ganun.
hi ask ko lang po kung meron kayo alam na nabibilhan ng mga wall papers…para sa bahay…thanks ppo god bless sa site nyo!
saan nakakabili ng wire mesh yung coated white color sya ginagamit ng mga nagtitiangge pang sabit ng products na binebenta
Thank you! This blog is very helpful.
informative itong divisoria map mo, pero meron ba nabibilhan ng exercise equipment sa divisoria? saka meron ako nakitabg magandang lalagyan ng cd sa mall, meron din kaya ganon sa divisoria? tnx
@Leziel Alagao: Here is the contact details from this link:
http://andingstoysintlinc.redpages.ph/companycontact.html
Company Name: ANDING’S TOYS INTERNATIONAL INCORPORATED
Contact Person: Mrs Lita Santiago
Address: 847 Tabora Street Tondo Manila 1000
Telephone 0063 2 2417010 0063 2 2419378
Fax 0063 2 2417010
can someone please give the contact nummber of anding’s toy in divisoria?i am drom iloilo
@ylo: not sure but try mo sa stalls in between Tabora and Carmen Planas sts. Dun tabi tabi yun stalls na nag bebenta ng baby products.
@maricy: Sa 168 mall marami binebenta na bags, mga may tatak, pero I think hindi original. Regarding sa damit na tig P50 ang bentahan, alam ko meron din nun sa 168 mall, pero ang bentahan nila usually is around 150 buy 1 take 1. Yun ganun klaseng damit, medyo manipis yun tela.
@ching: Sa ilalim ng New Divisoria mall, katabi ng wet market section, may mga stalls na nag bebenta ng party items, novelty items. I think meron dun nag bebenta ng mga balloons. Meron din sa upper floors na nag specialize talaga for birthday party items, pero medyo mahirap hanapin, kasi pasikot sikot yun New Divisoria Mall. Yun bldg across New Divi Mall ang name is New Divisoria Center, along Sta. Elena st, marami rin nag bebenta ng birthday party items, pede mo rin i-check yun.
@trish: yun Styro products, I think may nasagot na ako ng same question. You can search sa mga comments. I think the shop is Commoners’ Commercial, at Ilaya st, near the area where Juan Luna st branches off to Ilaya. Cooking utensils, non-stick pans, caserole and steamers, wala ako masyadong nakita ganyan, pero pede mo check along Recto near Sto Cristo st., may mga kaunting stalls dun na nag bebenta ng housewares, plato, baso. Not really sure kung meron nun mga pans, caserole and steamers
@edralyn: Sory wala po ako kilala na supplier ng alahas. Pero yun mga murang alahas, sa Sta Cruz, Ongpin marami.
@sarah s lagcao: Sorry wala po ako ng exact contact details ng mga suppliers ng whole sale shirts. Lahat naman sa juan luna, wholesale price ang bigay nila for a minimum ata of 100 pcs
@hagibiz: Diapers, try mo check sa mga stalls in between tabora and Carmen Planas sts. Nandun kasi yun mga stalls for baby items. Baka meron silang diapers. For souvenirs, yun Tabora street mismo may mga nag bebenta ng handicraft souvenirs