Papunta ka ba ng Divisoria?
Kung may listahan ka na ng bibilhin at kailangan mo na lang alamin kung saan mo matatagpuan ang mga bibilhin mo. Dyan kita pwedeng tulungan. Isa isahin natin ang mga lugar at mga bagay-bagay na mabibili mo sa Divisoria.
Quick Link:
- Damit na pang Japorms ba ang hanap mo?
- Wholesale na plain T-shirt
- Barong, Gowns Galore,Telang per-yarda at Baby Things
- Stuffed toys, toys na pang give-away, birthday party accessories at iba pang laruan
- School Supplies at Novelty Items
- Getting ready for the rain?
- Fresh Fruits, Gulay, Fishda, Junk Foods at iba pa
- Plato, tasa, platito at baso pang hagis sa mister mo
- Native Handicrafts, Figurines, Decors at Souvenirs
- Kolorete, ipit at tali sa buhok, suklay, blush-on at kyutiks
Damit na pang Japorms ba ang hanap mo?
Ito ang isang bagay na hindi mo na kailangan hanapin sa Divisoria. Bawat sulok ng Divisoria ay panay tindahan ng mga damit na pang ja-porms. Siguro depende na lang kung ano ang mas malapit sayong mall. Kung galing ka ng Recto o Abad Santos, swak sayo ang Tutuban Mall. Kung galing ka naman ng Reina Regente or Binondo, swak naman sayo ang 168 Mall, Meisic Mall, New Divisoria Mall at ang kahabaaan ng Juan Luna.
Wholesale na plain T-shirt
Kung wholesale na T-shirt ang hanap mo, sa Juan Luna street ang dapat na punta mo. Malapit sa Binondo church ang lugar sa Juan Luna street na panay wholesale na bentahan ng mga plain shirts at polo shirts. Dito ang motto ng mga tindahan ay “We accept T-shirt printing”.
Barong, Gowns Galore,Telang per-yarda at Baby Things
Kung nag titipid ka sa wedding dress mo o di kaya’y trip mo lang mag gown sa opisina mo, sa mga building sa tabi ng Tabora at Ilaya ang dapat na punta mo, Dito makaka pag pa made-to-order ka ng mga gowns pang kasal, o di kaya’y gowns na pang rampa. Mag dala ka lang ng isang page sa magazine na gusto mong ipakopya na gown at sila na ang bahala. Kung di ka naman prepared meron din silang catalogue ng mga gowns. Sa mura ng gowns dito, for the same price na ibabayad mo sa isang kilalang couturier, pwede mo nang i-request na budburan ng sequins at svarovsky yun gown mo or di kaya’y gawing isang milya ang haba ng veil mo.
Bukod sa gown, madami rin dito ang bentahan ng mga gamit para sa baby, rolyo-rolyong tela, mga whole sale T-shirt tulad sa Juan Luna at mga uniform pang eskwela. Minsan nga lang masakit sa mata yun chemical na maamoy mo sa mga rolyo ng tela. Kahit dumaan ka lang mapapansin mo ang hapdi sa iyong mata.
Bukod sa Tabora at Ilaya, meron din mga bentahan ng tela at pagawaan ng gowns sa kabilang side naman ng Recto, sa hilera ng Azcarraga.
Stuffed toys, toys na pang give-away, birthday party accessories at iba pang laruan
Kung galing ka ng Binondo, sa kanto palang ng Juan Luna, Ilaya at Sta. Elena, sasalubungin ka na ng mga stuffed-toys. In fairness magaganda naman yun quality ng stuffed toys na binebenta nila. Karamihan ng stuffed toys dito ay katulad ng mga prize na makukuha mo sa Time Zone.
Kung pang give-away naman sa birthday party ang hanap mo, sa New Divisoria Mall ang punta mo. Sa ilalim ng New Divisoria Mall, katabi ng wet market, dyan mo makikita ang tindahan ng mga laruan na tabi-tabi. Karaniwang klase ng laruan na mabibili dito ay yun mga maliliit lamang na laruan,na madalas naka bundle sa rubber band tulad ng mga card games na ‘Teks’ or naka plastic at nakadikit sa isang karton. Merong per kilo ang bentahan (katulad ng mga maliliit na plastic army figures, kutsara’t tinidor, etc) at meron din per dosena. Meron din mga ibat-ibang party accessories. Kailangan mo lang pag tyagaan ang sikip ng mga pasilyo. Minsan mas makakamura ka kung pupunta ka sa kaloob-looban ng mga pasilyo. Kung sa bandang hapon ka naman pupupunta doon, ay bilisan mo lang dahil bandang alas-sinko pa lang ng hapon ay nag sasara na ang karamihan ng tindahan doon.
Bukod sa ilalim ng New Divisoria Mall, meron din ilang stalls sa itaas ang nag bebenta ng mga party accessories tulad ng pabitin, party hats, pinyata at balloons. Doon medyo convenient ng kaunti dahil may aircon. Kaso nga lang mahirap hanapin yun mga stalls.
Katapat naman ng New Divisoria Mall ang isang building sa kanto ng Tabora at Sta. Elena ang New Divisoria Center. Sa second floor nito, marami din nag-bebenta ng mga laruan. Mas maluwag ng kaunti ang mga pasilyo dito. Mas marami din naman dito ang nag bebenta ng mga laruan na may kalakihan ang size, yun mga naka-kahon, may de-motor, gumagalaw, or yun mga naka vacum sealed na laruan, makakabili ka rin dito ng mga “bootlegs” na laruan or pirated/look-a-like na laruang galing China. May mga doll house na malalaki, mga kotseng plastic na pwedeng sakyan ng mga bata, mga baril, manyika at iba pa.
So kung maliit na pang birthday party loot bag ang hanap mo, mas marami ang nag bebenta nito sa ilalim ng New Divisoria Mall. Pero kung may kalakihan naman na pang prize sa party games ang hanap mo, sa New Divisoria Center ang mas maraming nag bebenta nito.
School Supplies at Novelty Items
Kung school supplies naman ang hanap mo, ang kahabaan ng Sto. Cristo at Quentin Paredes ang dapat na punta mo. Anong pinag kaiba ng dalawa? Kung gusto mo maginhawa na nakakapamili ng school supplies na wholesale, mas ok mamili sa Quentin Paredes, ito yun kalye na dadaanan mo kung galing ka ng City Hall ng Maynila at tinutumbok nito ang Binondo church. Kaso karamihan ng bentahan dito pang wholesale lang talaga. Marami din dito ang nag bebenta ng mga office equipments pati narin sports equipments.
Kung nasa lugar ka naman ng Recto, mas malapit naman ang Sto Cristo. Mula sa bungad ng Recto ay naka linya na ang mga nag bebenta ng school supplies sa kalye ng Sto Cristo.
Kung mga school supply na novelty items naman ang hanap mo. Yung mga pencil, eraser, ruler na may mga cartoon characters. Marami ang nag titinda nito sa first floor ng New Divisoria Mall.
Getting ready for the rain?
Wholesale na payong marami nyan sa New Divisoria Mall sa first floor. Mga rain coat, lona, canvass o trapal, sa kahabaan naman ng Recto sa tapat ng Tutuban mall meron nito. May ilan-ilan din nag nag bebenta sa may dulong bahagi ng Recto.
Fresh Fruits, Gulay, Fishda, Junk Foods at iba pa
Kahon kahon at all year round na available ang mga manasas, ponkan, orange, at iba pang prutas sa kahabaan ng Carmen Planas street. Per kahon ang bilihan dito, minsan may nag bebenta din ng paisa-isa.
Kung gusto mo naman maiyak sa dami ng sibuyas, sa kahabaan ng Recto mula sa kanto ng Sto Cristo papuntang Pier, may mga naka linya nang tindahan ng sako-sakong sibuyas. Dyan din sa lugar na yan ng Recto ang karaniwang bagsakan ng mga gulay.
Kung isda naman ang hanap mo sa New Divisoria Mall ang punta mo. Sa ilalim ng New Divisoria Mall ay bentahan ng mga isda at iba pang laman dagat.
Kropek, kendi, sitserya, at iba pang Junk Foods ang karaniwang binebenta sa kalahating bahagi ng Sto Cristo. Makakakita karin dito ng mga laruan na sa loob ay may lamang kendi, mga imported na kendi at iba pang junk foods. Siguraduhin lang na ang binibili mong pagkain ay hindi pa expired.
Plato, tasa, platito at baso pang hagis sa mister mo
Kung madalas kayong mag away ni mister at nauubos na ang mga plato sa bahay nyo, dito sa dulo ng Recto ang punta mo. Lagpas ng Sto Cristo, kahilera lang ng mga tindahang ng mga sibuyas ang mga tindahan ng babasagin na plato, tasa, platito at baso. Mag kabilang side ng Recto ang mga tindahan na pag pipilian mo.
Native Handicrafts, Figurines, Decors at Souvenirs
Sa kahabaan ng Tabora nakalinya bawat side ng kalye ang tindahan ng mga figurines, home decors at pang souvernirs. Sa loob naman ng mga building matatagpuan mo ang mga tindahan ng ribbons, lace at mga gamit pang-tahi. Kung trip mo naman gumawa ng sariling style ng home decor native handicrafts, meron din mga supplies na yan sa Tabora at meron din sa ilalim ng New Divisoria Mall.
Kolorete, ipit at tali sa buhok, suklay, blush-on at kyutiks
Maituturing na Paraiso ng mga Kikay on the budget ang first floor ng New Divisoria Mall. Dito mo makikita ang hile-hilerang tindahan ng kung ano-anong “kikay things”…. It’s like a “Kikay’s Heaven you know!”
. Meron dyan bentahan ng ibat-ibang ipit at pan-tali sa buhok, make-up, lipstick, kyutiks at iba pang maisip mong pang pintura sa mukha mo.Syempre di mawawala ang mga made in China na blower, plantsa sa buhok at iba pa.
Bukod sa New Divisoria Mall, meron din mangilan-ngilan na tindahan ng mga parlor supplies sa mga building sa tabi ng Carmen Planas,Tabora at Ilaya.
Syempre marami pang ibang mga bagay na mabibili sa Divisoria at di lang naman limitado sa mga lugar na nabanggit ko. Pero kung di mo pa alam kung saan sa Divisoria maaring makakita ng hinahanap mong bibilhin, sana ay makatulong ito sayo at nang di ka mapagod sa kalalakad sa buong Divisoria.
Related Posts
- Divisoria Shopper’s Map (2011 Update): A guide on the whereabouts of the things you need to buy in Divisoria
- Divisoria Shopper’s Map: Commoner’s Commercial
- Curry, Hindi Adobo
- Identity Theft… hooooo are you… hooo… hooo… hooo.. hooo…
- Stoic Passion?
Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.







How To Make an Ostrich Rider Costume
Jose Rizal: The Little Bad Boy in Brussels
Alluring Atulayan Island
Divisoria Shopper’s Map (2011 Update): A guide on the whereabouts of the things you need to buy in Divisoria
How to Make Plants vs Zombies Costume
Plants vs Zombies Halloween Costume


u are a savior! mga ilang beses din ako ngpunta sa DV and tried to navigate the place para makita ko magsusupply sa biz ko na gusto kung simulan. Your article is brilliant! this is a time and effort-saving for those people like me.
) friend na kita
san po ako pwede makabili ng mga pag gawa ng mga accesories sa divisoria?
san makakabili or factory ng botelya?
tanong ko lang po sana kung saan pwedeng makabili ng anime costume sa divisoria???
thanks po
where to buy tvp,qulicel at mga plasic cups in divisoria….ty
San po ba makabibili ng mga water container and bottles na pang water refilling station.
hello! tanong ko lang kung saan nakakabili sa divi ng air balloon inflator?? thanks..
hi.. meron po b nagbebenta sa divisoria n mga printed gorsgrain ribbon? thanks
saan po kaya makakabili ng ice cream making tools at cannisters pati na po mga paper cups for ice cream. salamat.
@Sharon Olalia: Sorry no info about essential oils
@raine: I think wala yan hinahanap mo na gown made from recycled materials sa Divisoria. Pwede kang mag patahi dun, pero baka ikaw ang mag hahanap ng materials mo na recycled.
@Jason: sorry no info sa mga bags na mura for re-selling.
@Andrea: for food packaging materials, sa paligid ng New Divisoria Mall and Juan Luna streets.
@Sheng: di ko alam kung saan yun pinakamura, pero karamihan ng nag bebenta ng shake ingredients and materials (cups, sprinkles,etc) ay nasa pagitan ng Sto Cristo and Tabora streets sa tabi ng New Divisoria Mall
@Rudy goody: Try mo sa Tabora, malapit sa New Divisoria Mall, meron dun bentahan ng mga supplies for necklace/bracelets/earrings
@sharon: sorry no info on shop for 70′s fashion dress
Hi! Saan kaya sa DV makakabili ng essential oils (natural and plant-derived) at rose water? I’m also looking for mint or lip gloss tins. Thanks!
san po ba nakakabili ng gowns for kids na gawa s recycled materials?tnx
Hi! Saan po ako makakabili ng wholesale na bag pang negosyo yung mga 150 lang ang price pero maganda. Kasi nag hanap na ako before kaso ang mahal ng mga wholesale nila na bag puro mga 350 ang isa , paano ko ibebenta yun sa province kung papatungan ko pa ng 100 edi 450 na yon mahal na yon para sa mga tao sa province. dati kasi noong magpapasko ang dami mabibili na MURA na bag like 150 lang isa ang ganda na, ngayon 150 na bag napaka CHAKA naman. Thanks
hi! kelangan ko ng mga boxes. yung mga pang cupcakes, fruitcakes, loaves…san banda yun?
gusto ko po mgstart ng shake n biznes.san part po ako pinkmura n mkkbili ng ingridients and materials?
San po nakakabili ng earring stand sa divisoria?
San po ba ako makakabili ng 70′s fashion na damit?thanks
@Clarize: Sorry for the late reply, yup malapit sa Divisoria Mall yun 168, paraticularly kung mangagaling ka sa Recto, yun 168Mall yun nasa street just after ng tulay (medyo hindi pansinin yun tulay kasi madaming nag titinda)
@Anna: Try mo sa Juan Luna, nandun yun mga upholstery supplies. Usually parang pang lining yun mga plastic na yun.
@Anna: Yup, sa 168 mall merong plastic flowers. Try mo rin sa Anding’s Toy shop sa New Divisoria Center, alam ko nag bebenta din sila ng mga plastic flowers
@Anjie: Sorry, don’t know of any chocolate stores in Divisoria
Hello po..tanung ko lng po yung 168 mall po b ay malapit sa divisoria mall? tnks po!! pu2nta po kc ako bukas tga bataan pa po ako..
hi. meron po ba sa divisoria na gumagawa nung plastic na nilalagay sa hawakan ng walis tambo para matukoy kung saan nagmula o gawa ito gaya ng – baguio city? iba iba po kulay, may blue, green, kung minsan red. please reply po. salamat
Hello po, ask ko lang po kung meron po ba sa divisoria nabibilan ng mga artificial flowers? gusto ko kasi mag DIY ng wedding bouquet ko and for my entourage =) thanks much!! i hope you reply po..
meron po sa divisoria na Chocolate store???? plz reply thanks
@may diwa: sorry no idea kung saan yun pinaka mura, pero sa paligid ng New Divisoria Mall, may mga stalls na nag bebenta ng grocery items/diapers.
@Mengki: Sa area ng stalls sa gitna ng Ylaya at Tabora yun mga baby products, sa paligid ng New Divisoria Mall naman yun mga nag bebenta ng mga grocery items, minsan meron sila nun mga diapers. Yun styro, sa loob ng pasilio ng Tabora may nakita akong nag bebenta ng styro and sa Sto Cristo street yun naman bentahan ng mga school supplies .
gudpm,ask ko lng po if san nakakabili ng pinakamurang diapers,…salamat
gudpm po ask ko lang po if san nakakabili ng pinakamurang diapers at styro..salamat…
@Decbride: try mo sa Tabora, nandun kasi lahat ng mga gumagawa ng mga souvenirs, baka meron dun nag bebenta ng box acetate
hello ,
Tga davao ako gusto kung mamili via online shooping sino pwede kong pag katiwalaan?
hi, saan po ba banda sa divisoria mkakabili ng box acetate for souvenirs.and any idea po ba kng magkano? tnx po ng marami
@Kuneho: Sorry wala po akong nakita na mga Racks for keychains and accessories. although may area sa Ylaya na nag bebenta ng mga manequins, hanger, and yun parang mesh na sabitan ng paninda, pero di ko sure kung meron sila nung hinahanap mo. Yun bentahan ng keychains, supplies for making key chains nasa Tabora near New Divisoria Mall, try mo rin dun baka meron sila since panay kaychains and accesories supplies naman yun binebenta nila.
Hello meekes. Pa help naman po. Saan mahahanap sa parte ng divisoria ung sabitan ng keychains and accessories. Racks ata ang tawag sa knila???? anyway… can you help me on this?
@girlie: thanks for the info. Will post the info on my blog
@mary: welcome! glad to be of help
hi! fyi lang po. change name na ung commoners commercial to Afdell Packaging and we also have other branch near lang din dun sa Afdell. its Ilaya Plastic naman. mga 10 stalls lang layo sa afdell.
we also have branches in paranaque Sucat Packaging and Plastic center (near sm sucat infront of Virra Mall 8252056-8810765 )
Cavite – Dasma Packaging and Plastic Center infront of Robinsons Palapala 5298158
Thank you so much for your blog
girlie
this is very helpful indeed. you’re an energy, time and fare saver. at dahil jan, mahal na kita… maging sino ka man.
@Erissa: sorry no info on bangkok dress.
@shie: sorry no info on korean blouse
@Elaine: sa 168 mall meron nun mga fake flowers. For the other things na nabanggit mo, sorry no info on those.