Papunta ka ba ng Divisoria?
Kung may listahan ka na ng bibilhin at kailangan mo na lang alamin kung saan mo matatagpuan ang mga bibilhin mo. Dyan kita pwedeng tulungan. Isa isahin natin ang mga lugar at mga bagay-bagay na mabibili mo sa Divisoria.
Quick Link:
- Damit na pang Japorms ba ang hanap mo?
- Wholesale na plain T-shirt
- Barong, Gowns Galore,Telang per-yarda at Baby Things
- Stuffed toys, toys na pang give-away, birthday party accessories at iba pang laruan
- School Supplies at Novelty Items
- Getting ready for the rain?
- Fresh Fruits, Gulay, Fishda, Junk Foods at iba pa
- Plato, tasa, platito at baso pang hagis sa mister mo
- Native Handicrafts, Figurines, Decors at Souvenirs
- Kolorete, ipit at tali sa buhok, suklay, blush-on at kyutiks
Damit na pang Japorms ba ang hanap mo?
Ito ang isang bagay na hindi mo na kailangan hanapin sa Divisoria. Bawat sulok ng Divisoria ay panay tindahan ng mga damit na pang ja-porms. Siguro depende na lang kung ano ang mas malapit sayong mall. Kung galing ka ng Recto o Abad Santos, swak sayo ang Tutuban Mall. Kung galing ka naman ng Reina Regente or Binondo, swak naman sayo ang 168 Mall, Meisic Mall, New Divisoria Mall at ang kahabaaan ng Juan Luna.
Wholesale na plain T-shirt
Kung wholesale na T-shirt ang hanap mo, sa Juan Luna street ang dapat na punta mo. Malapit sa Binondo church ang lugar sa Juan Luna street na panay wholesale na bentahan ng mga plain shirts at polo shirts. Dito ang motto ng mga tindahan ay “We accept T-shirt printing”.
Barong, Gowns Galore,Telang per-yarda at Baby Things
Kung nag titipid ka sa wedding dress mo o di kaya’y trip mo lang mag gown sa opisina mo, sa mga building sa tabi ng Tabora at Ilaya ang dapat na punta mo, Dito makaka pag pa made-to-order ka ng mga gowns pang kasal, o di kaya’y gowns na pang rampa. Mag dala ka lang ng isang page sa magazine na gusto mong ipakopya na gown at sila na ang bahala. Kung di ka naman prepared meron din silang catalogue ng mga gowns. Sa mura ng gowns dito, for the same price na ibabayad mo sa isang kilalang couturier, pwede mo nang i-request na budburan ng sequins at svarovsky yun gown mo or di kaya’y gawing isang milya ang haba ng veil mo.
Bukod sa gown, madami rin dito ang bentahan ng mga gamit para sa baby, rolyo-rolyong tela, mga whole sale T-shirt tulad sa Juan Luna at mga uniform pang eskwela. Minsan nga lang masakit sa mata yun chemical na maamoy mo sa mga rolyo ng tela. Kahit dumaan ka lang mapapansin mo ang hapdi sa iyong mata.
Bukod sa Tabora at Ilaya, meron din mga bentahan ng tela at pagawaan ng gowns sa kabilang side naman ng Recto, sa hilera ng Azcarraga.
Stuffed toys, toys na pang give-away, birthday party accessories at iba pang laruan
Kung galing ka ng Binondo, sa kanto palang ng Juan Luna, Ilaya at Sta. Elena, sasalubungin ka na ng mga stuffed-toys. In fairness magaganda naman yun quality ng stuffed toys na binebenta nila. Karamihan ng stuffed toys dito ay katulad ng mga prize na makukuha mo sa Time Zone.
Kung pang give-away naman sa birthday party ang hanap mo, sa New Divisoria Mall ang punta mo. Sa ilalim ng New Divisoria Mall, katabi ng wet market, dyan mo makikita ang tindahan ng mga laruan na tabi-tabi. Karaniwang klase ng laruan na mabibili dito ay yun mga maliliit lamang na laruan,na madalas naka bundle sa rubber band tulad ng mga card games na ‘Teks’ or naka plastic at nakadikit sa isang karton. Merong per kilo ang bentahan (katulad ng mga maliliit na plastic army figures, kutsara’t tinidor, etc) at meron din per dosena. Meron din mga ibat-ibang party accessories. Kailangan mo lang pag tyagaan ang sikip ng mga pasilyo. Minsan mas makakamura ka kung pupunta ka sa kaloob-looban ng mga pasilyo. Kung sa bandang hapon ka naman pupupunta doon, ay bilisan mo lang dahil bandang alas-sinko pa lang ng hapon ay nag sasara na ang karamihan ng tindahan doon.
Bukod sa ilalim ng New Divisoria Mall, meron din ilang stalls sa itaas ang nag bebenta ng mga party accessories tulad ng pabitin, party hats, pinyata at balloons. Doon medyo convenient ng kaunti dahil may aircon. Kaso nga lang mahirap hanapin yun mga stalls.
Katapat naman ng New Divisoria Mall ang isang building sa kanto ng Tabora at Sta. Elena ang New Divisoria Center. Sa second floor nito, marami din nag-bebenta ng mga laruan. Mas maluwag ng kaunti ang mga pasilyo dito. Mas marami din naman dito ang nag bebenta ng mga laruan na may kalakihan ang size, yun mga naka-kahon, may de-motor, gumagalaw, or yun mga naka vacum sealed na laruan, makakabili ka rin dito ng mga “bootlegs” na laruan or pirated/look-a-like na laruang galing China. May mga doll house na malalaki, mga kotseng plastic na pwedeng sakyan ng mga bata, mga baril, manyika at iba pa.
So kung maliit na pang birthday party loot bag ang hanap mo, mas marami ang nag bebenta nito sa ilalim ng New Divisoria Mall. Pero kung may kalakihan naman na pang prize sa party games ang hanap mo, sa New Divisoria Center ang mas maraming nag bebenta nito.
School Supplies at Novelty Items
Kung school supplies naman ang hanap mo, ang kahabaan ng Sto. Cristo at Quentin Paredes ang dapat na punta mo. Anong pinag kaiba ng dalawa? Kung gusto mo maginhawa na nakakapamili ng school supplies na wholesale, mas ok mamili sa Quentin Paredes, ito yun kalye na dadaanan mo kung galing ka ng City Hall ng Maynila at tinutumbok nito ang Binondo church. Kaso karamihan ng bentahan dito pang wholesale lang talaga. Marami din dito ang nag bebenta ng mga office equipments pati narin sports equipments.
Kung nasa lugar ka naman ng Recto, mas malapit naman ang Sto Cristo. Mula sa bungad ng Recto ay naka linya na ang mga nag bebenta ng school supplies sa kalye ng Sto Cristo.
Kung mga school supply na novelty items naman ang hanap mo. Yung mga pencil, eraser, ruler na may mga cartoon characters. Marami ang nag titinda nito sa first floor ng New Divisoria Mall.
Getting ready for the rain?
Wholesale na payong marami nyan sa New Divisoria Mall sa first floor. Mga rain coat, lona, canvass o trapal, sa kahabaan naman ng Recto sa tapat ng Tutuban mall meron nito. May ilan-ilan din nag nag bebenta sa may dulong bahagi ng Recto.
Fresh Fruits, Gulay, Fishda, Junk Foods at iba pa
Kahon kahon at all year round na available ang mga manasas, ponkan, orange, at iba pang prutas sa kahabaan ng Carmen Planas street. Per kahon ang bilihan dito, minsan may nag bebenta din ng paisa-isa.
Kung gusto mo naman maiyak sa dami ng sibuyas, sa kahabaan ng Recto mula sa kanto ng Sto Cristo papuntang Pier, may mga naka linya nang tindahan ng sako-sakong sibuyas. Dyan din sa lugar na yan ng Recto ang karaniwang bagsakan ng mga gulay.
Kung isda naman ang hanap mo sa New Divisoria Mall ang punta mo. Sa ilalim ng New Divisoria Mall ay bentahan ng mga isda at iba pang laman dagat.
Kropek, kendi, sitserya, at iba pang Junk Foods ang karaniwang binebenta sa kalahating bahagi ng Sto Cristo. Makakakita karin dito ng mga laruan na sa loob ay may lamang kendi, mga imported na kendi at iba pang junk foods. Siguraduhin lang na ang binibili mong pagkain ay hindi pa expired.
Plato, tasa, platito at baso pang hagis sa mister mo
Kung madalas kayong mag away ni mister at nauubos na ang mga plato sa bahay nyo, dito sa dulo ng Recto ang punta mo. Lagpas ng Sto Cristo, kahilera lang ng mga tindahang ng mga sibuyas ang mga tindahan ng babasagin na plato, tasa, platito at baso. Mag kabilang side ng Recto ang mga tindahan na pag pipilian mo.
Native Handicrafts, Figurines, Decors at Souvenirs
Sa kahabaan ng Tabora nakalinya bawat side ng kalye ang tindahan ng mga figurines, home decors at pang souvernirs. Sa loob naman ng mga building matatagpuan mo ang mga tindahan ng ribbons, lace at mga gamit pang-tahi. Kung trip mo naman gumawa ng sariling style ng home decor native handicrafts, meron din mga supplies na yan sa Tabora at meron din sa ilalim ng New Divisoria Mall.
Kolorete, ipit at tali sa buhok, suklay, blush-on at kyutiks
Maituturing na Paraiso ng mga Kikay on the budget ang first floor ng New Divisoria Mall. Dito mo makikita ang hile-hilerang tindahan ng kung ano-anong “kikay things”…. It’s like a “Kikay’s Heaven you know!”
. Meron dyan bentahan ng ibat-ibang ipit at pan-tali sa buhok, make-up, lipstick, kyutiks at iba pang maisip mong pang pintura sa mukha mo.Syempre di mawawala ang mga made in China na blower, plantsa sa buhok at iba pa.
Bukod sa New Divisoria Mall, meron din mangilan-ngilan na tindahan ng mga parlor supplies sa mga building sa tabi ng Carmen Planas,Tabora at Ilaya.
Syempre marami pang ibang mga bagay na mabibili sa Divisoria at di lang naman limitado sa mga lugar na nabanggit ko. Pero kung di mo pa alam kung saan sa Divisoria maaring makakita ng hinahanap mong bibilhin, sana ay makatulong ito sayo at nang di ka mapagod sa kalalakad sa buong Divisoria.
Related Posts
- Divisoria Shopper’s Map (2011 Update): A guide on the whereabouts of the things you need to buy in Divisoria
- Divisoria Shopper’s Map: Commoner’s Commercial
- Curry, Hindi Adobo
- Identity Theft… hooooo are you… hooo… hooo… hooo.. hooo…
- Stoic Passion?
Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.







How To Make an Ostrich Rider Costume
Jose Rizal: The Little Bad Boy in Brussels
Alluring Atulayan Island
Divisoria Shopper’s Map (2011 Update): A guide on the whereabouts of the things you need to buy in Divisoria
How to Make Plants vs Zombies Costume
Plants vs Zombies Halloween Costume


gud day po… san po kaya sa divi pwede bumili ng magagandang wedding give aways. mga candles na cupcake un my different designs pti packaging materiakls dun din po b sa tabora? taga baguio po kc ako…
thanks.
hi,
san po ako pweding bumili ng tela na mura yung gamit sa pagawa ng dress pang babae?
thanks and regards
Hi!..ask q lng po kung mron nagbbenta s DV ng indoor slippers pra po syang medyas or ballet shoes na my mga funny design for kids n adult..TIA
@Kris: Sorry don’t have info on that. Try mo na lang sa CDR King. I think they give discounts if you buy bulk. I did find one shop selling blank CD’s sa Divisoria, pero I can’t remember where.
@ron: Same question as with Karla. Please see my reply to karla
hi asko ko lang sna san nakakbili ng cd bags / storages sa Divi. Thanks!
meekes, yung pang packaging nalang po, like boxes and styro, may idea po ba kayo kung merong wholesale sa divisoria?
@karla: check mo yun Commoners’ Commercial, at Ilaya st, near the area where Juan Luna st branches off to Ilaya
@ron: sorry don’t have info on that. Ang alam ko lang meron sa divisoria ay yun mga plastic PET bottles. But I forgot kung saan ko nakita yun. Try mo i-check sa PLDT yellow pages for local bottle manufacturers.
@mckee: May mga nakita akong nag bebenta ng mga plansta sa buhok sa New Divisoria Mall. I assume meron din sila siguro maliliit na blowers
Hi meron ba nabibilihan na containers sa divisoria? Thanks
hello, patulong naman po..meron po ba nabibilhang wholesale ng empty bottle ng wine sa divisoria na ready for refill na? or any wine making supplies shop.. magrere-tail po kasi ako ng wine…salamat in advance!
hi sir meekes! naghahanap po sana ako ng portable blowers from china. yung wholesale. meron kaya dito sa divisoria. salamat po
@Cels: Kung hanap mo mga branded, meron sa Designer Depot. Cluster of shops yun, selling local branded clothes at factory price. It’s located at Quirino Ave, corner South Super Highway/Osmena Hiway. Kung non-branded naman, sa Divisoria meron din. Mas madami ka pag pipilian sa Cluster buildings ng Tutuban Mall, tumawad ka lang syempre. Usually sa Divisoria, makakakuha ka ng discount kung suki ka na nila.
Hello Meekes, ask ko lang kung may alam kang pwede mabilhan ng mga wholesale apparel with a good discount.Plan ko kasi mag open ng small business soon.
sana matulungan mo ako.thanks!
@Fritz: Meron sa 168 Mall, I think nasa second floor, near the escalator at the Soler st. side of the mall. Meron din sa New Divisoria Center (tapat ng New Divisoria Mall on Juan Luna cor Sta.Elena cor Tabora streets).
Good day!May alam ka ba airsoft shop sa divisoria?
thanks meekes!
@vhen: sorry, wala po ako alam na nag bebenta ng portable sewing machine sa divisoria. Pede mo i-try sa mga sewing supplies stores at Ylaya, Tabora, Juan Luna, baka meron sila binebenta. Best place to go for that eh sa mga appliance center ng malls. You can also try looking up branches for sewing machine brands like Singer. Baka meron sila discounted offers.
@chii: Sorry don’t have exact contact details. Just go to Tabora, Ylaya and Juan Luna, you’ll find lots of stores there selling sewing supplies
@joi: try mo sa tabora. Usually nandun ang mga supplies for sewing, handicrafts.
@ghilaine: Marami sa mga buildings in between tabora, ylaya and juan luna. Sa area ng bilihan ng mga tela. Madami din dun shops na gumagawa ng gowns. Just make sure may time kayo to inspect the gown and have them alter kung may kailangan pabago
@grace: Yun mga lona, or mga tarp, meron sa tapat ng tutuban mall, the other side of Recto going to Rizal Avenue. Probably meron sila nun mga folding tents. I also saw some large beach umbrellas sa ground floor lang ng cluster bldg ng tutuban mall. Just in front of the old tutuban train station. Hope this helps
hello po looking for a portable handy sewing machine as in yung small lang talaga but no too small..saan po kaya meron nun..help po plsss….thanks
Can anyone give me the address and contact details as well as the products/services offered of the different stores in Divisoria where I can find sewing supplies and tela, if there’s any? I just need it for my project. Thank you very much.
hi,
san po mkakabili ng murang beads,at mga ibang kagamitan para mkagawa mng beads….
hi i’m getting married this june. nag umpisa na kaming mag prepare ng mga kylangan sa kasal. tanong ko lang kung saan maraming souvenirs and gowns. Medyo tight ang budget namin for our wedding san kaya maraming murang items?? kidly reply thanksZ!!!
san po nakakabili ng outdoor folding tents?
@Michelle: I think I saw pashminas being sold at 168 mall. Problem is I don’t know where exactly in the mall. If you can’t find any pashminas in 168, maybe you can try looking also in fabric stores found in near tabora, ylaya and juan luna.
Hi, I’m getting married very soon and I was thinking of pashminas as my giveaway for our wedding. Can you please, please tell me where I can find wholesale pashminas in Divisoria? Any information would be very much appreciated! Thank you! Please send me a reply through email also
@Rose: Click on this link.
Below is the info from that website:
Suppliers of WAX, SCENT and ACCESSORIES
(1) GODY WAX CENTER
Divisoria, Binondo
Juan Luna Branch – Tel. Nos. 242-1840/242-1841
C. M. Recto Branch – Tel. Nos. 244-1372/244-3727
Sto. Cristo Branch – Tel. No. 242-5359
(2) RICCI CRAFTHAUS
Chocolate Lover Bldg., Unit D
45 P. Tuazon Blvd., Quezon City
Tel. No. 416-0654
Cell No. (0919) 602-4499
(3) LESLIE LADINES
B-6 L-15 Cavite St.
Macaria Village, Biñan, Laguna
Cell No. 0916-5748812
(4) TSAB c/o Sheila Ruiz
2247 Juan Luna Ave.,
Mabolo, Cebu City
Tel. No. (032) 412-8575
Cell No. (0917) 626-3125
(5) POLYMER PRODUCTS, INC.
11 J. Boris St., Bagong Ilog, Pasig City
Tel. Nos . 671-9837 to 39
Supplier of GLASS CONTAINER
SAN JOSE GLASS CORP.
c/o Bobeth Barrion
Tel. No. 533-6691
Supplier of PLASTER OF PARIS
POLYMER PRODUCTS, INC.
11 J. Boris St., Bagong Ilog, Pasig City
Tel. Nos. 671-9837 to 39
MASINAG BRANCH
Marcos Highway, Mayamot, Antipolo, Rizal
Tel. No. 681-9124
Taytay Branch
Unit 18 Luxury Classic, Taytay
Tel. No. 679-4156
PASAY BRANCH
Unit F. 245 Fernando Rein St.
EDSA Rotonda, Pasay City
Tel. No. 510-1125
Alabang Branch (in front of Nestle Corp.)
National Hi-way (beside Aguila Glass)
Tel. No. 543-8705
Supplier of ESSENTIAL OIL
MANCOR MARKETING
3399 San Jose St., Sta. Mesa, Manila
Contact Person: Thelma or Rose
Tel. Nos. 715-0325/713-3259
Good day! I am from Iloilo an trying to find where can I buy things needed for candle making? Thank you!
@gladys: glad to help!
salamat napaka laking 2long mo sakin.. lalo new timer lang akong mag wholesale sa divi. God bless.
@ Mary clyde: I think yun mga figurines na binebenta sa divisoria eh imported, probably galing ng China ( just my wild guess). Sa New Divisoria Mall ako nakakita ng maraming figurines, not sure though kung sasabihin nila yun supplier nila. You can also try Papemelroti (http://www.papemelroti.com/) may wholesale purchase discounts sila. I once order around a 150 pcs souvenir figurines from one of their branches.
Sorry di ko alam yun exact place, pero dun sa mga pasilyo in between ng juan luna, ylaya at tabora yun pwede mo puntahan. May mga tindahan dun ng mga gamit para sa baby, baka meron din binebenta dun mga cheap diapers. Meron din ako nakita isang stall sa New Divisoria Mall, pero di ko na tanda kung anong side at anong floor ng New Divisoria Mall.
hi im looking for figurines suppliers. gusto ko sana yung main talaga na supplier kng saan kumukuha ang nag bebenta sa divisoria at mga party supplies kasi my party shop ako sa iloilo gusto ko rin mag benta nang wholesale dito sa iloilo if you can help me kng saan talaga ang main source nang divisoria.
saan nakakabilil ng mga cheap diapers?
@arn: Sorry Arn don’t have info on that, but I’ve researched on the net and found this:
http://ph.88db.com/ph/Services/Post_Detail.page/Buy_Sell/Personal_Care_Product/?PostID=269304
Not sure though if this is the one you’re looking for
thanks so much for the help!!!
san po makakabili ng original na Victoria secret sa divi
@therese
Sorry, I don’t have info on that. But I’ve searched around the internet and found the following:
Commoners’ Commercial as mentioned in Market Manila is the place to get your packaging materials:
http://www.marketmanila.com/archives/divisoria-pre-christmas-lunacy
In Chef’s Toque there was a discussion on the places where you can buy baking materials:
http://www.chefstoqueculinaire.net/modules/newbb/viewtopic.php?topic_id=14&forum=6&post_id=29
Hope this helps!
thanks for the info. very informative! pero pa-help naman. saan pwede bumili ng mga baking ingredients such as flour, cocoa, chocolate chips, etc? also, san makikita ang mga packaging materials para sa cakes, brownies & cookies such as plastic containers, boxes, ribbons, aluminum containers, etc? salamat in advance for the help!
@raine: thanks for visiting! glad to help!
helpful post. thanks ha! I like exploring divisoria and this guide would definitely help me
@brei – sa Juan Luna st sa Divisoria, near Binondo Chruch, maraming wholesale plain shirt, meron silang samples ng quality ng shirts na nakadisplay mula manipis hanggang makapal na shirts. Meron din silang T-shirts with collar, for male and female. Ang di ko lang sure is kung meron sila for toddlers. Baka mag pa made-to-order ka pa ng shirts for toddlers.
Do you have an idea san makakabili ng mga wholesale plain tshirt, polo shirts at tees na mganda ang fabric, kahit medyo mahal, na ang sizes ay for toddlers, kids, male and female?
@fatima- pasensya na Fatima, di ko naitanong yun presyo nun mga stuffed toys eh.
Magkano kaya siguro yung mga stuffed toys?
[...] Kung may listahan ka na ng bibilhin at kailangan mo na lang alamin kung saan mo matatagpuan ang mga bibilhin mo, dyan kita pwedeng tulungan. Isa isahin natin ang mga lugar at mga bagay-bagay na mabibili mo sa Divisoria. Read more… [...]