Papunta ka ba ng Divisoria?
Kung may listahan ka na ng bibilhin at kailangan mo na lang alamin kung saan mo matatagpuan ang mga bibilhin mo. Dyan kita pwedeng tulungan. Isa isahin natin ang mga lugar at mga bagay-bagay na mabibili mo sa Divisoria.
Quick Link:
- Damit na pang Japorms ba ang hanap mo?
- Wholesale na plain T-shirt
- Barong, Gowns Galore,Telang per-yarda at Baby Things
- Stuffed toys, toys na pang give-away, birthday party accessories at iba pang laruan
- School Supplies at Novelty Items
- Getting ready for the rain?
- Fresh Fruits, Gulay, Fishda, Junk Foods at iba pa
- Plato, tasa, platito at baso pang hagis sa mister mo
- Native Handicrafts, Figurines, Decors at Souvenirs
- Kolorete, ipit at tali sa buhok, suklay, blush-on at kyutiks
Damit na pang Japorms ba ang hanap mo?
Ito ang isang bagay na hindi mo na kailangan hanapin sa Divisoria. Bawat sulok ng Divisoria ay panay tindahan ng mga damit na pang ja-porms. Siguro depende na lang kung ano ang mas malapit sayong mall. Kung galing ka ng Recto o Abad Santos, swak sayo ang Tutuban Mall. Kung galing ka naman ng Reina Regente or Binondo, swak naman sayo ang 168 Mall, Meisic Mall, New Divisoria Mall at ang kahabaaan ng Juan Luna.
Wholesale na plain T-shirt
Kung wholesale na T-shirt ang hanap mo, sa Juan Luna street ang dapat na punta mo. Malapit sa Binondo church ang lugar sa Juan Luna street na panay wholesale na bentahan ng mga plain shirts at polo shirts. Dito ang motto ng mga tindahan ay “We accept T-shirt printing”.
Barong, Gowns Galore,Telang per-yarda at Baby Things
Kung nag titipid ka sa wedding dress mo o di kaya’y trip mo lang mag gown sa opisina mo, sa mga building sa tabi ng Tabora at Ilaya ang dapat na punta mo, Dito makaka pag pa made-to-order ka ng mga gowns pang kasal, o di kaya’y gowns na pang rampa. Mag dala ka lang ng isang page sa magazine na gusto mong ipakopya na gown at sila na ang bahala. Kung di ka naman prepared meron din silang catalogue ng mga gowns. Sa mura ng gowns dito, for the same price na ibabayad mo sa isang kilalang couturier, pwede mo nang i-request na budburan ng sequins at svarovsky yun gown mo or di kaya’y gawing isang milya ang haba ng veil mo.
Bukod sa gown, madami rin dito ang bentahan ng mga gamit para sa baby, rolyo-rolyong tela, mga whole sale T-shirt tulad sa Juan Luna at mga uniform pang eskwela. Minsan nga lang masakit sa mata yun chemical na maamoy mo sa mga rolyo ng tela. Kahit dumaan ka lang mapapansin mo ang hapdi sa iyong mata.
Bukod sa Tabora at Ilaya, meron din mga bentahan ng tela at pagawaan ng gowns sa kabilang side naman ng Recto, sa hilera ng Azcarraga.
Stuffed toys, toys na pang give-away, birthday party accessories at iba pang laruan
Kung galing ka ng Binondo, sa kanto palang ng Juan Luna, Ilaya at Sta. Elena, sasalubungin ka na ng mga stuffed-toys. In fairness magaganda naman yun quality ng stuffed toys na binebenta nila. Karamihan ng stuffed toys dito ay katulad ng mga prize na makukuha mo sa Time Zone.
Kung pang give-away naman sa birthday party ang hanap mo, sa New Divisoria Mall ang punta mo. Sa ilalim ng New Divisoria Mall, katabi ng wet market, dyan mo makikita ang tindahan ng mga laruan na tabi-tabi. Karaniwang klase ng laruan na mabibili dito ay yun mga maliliit lamang na laruan,na madalas naka bundle sa rubber band tulad ng mga card games na ‘Teks’ or naka plastic at nakadikit sa isang karton. Merong per kilo ang bentahan (katulad ng mga maliliit na plastic army figures, kutsara’t tinidor, etc) at meron din per dosena. Meron din mga ibat-ibang party accessories. Kailangan mo lang pag tyagaan ang sikip ng mga pasilyo. Minsan mas makakamura ka kung pupunta ka sa kaloob-looban ng mga pasilyo. Kung sa bandang hapon ka naman pupupunta doon, ay bilisan mo lang dahil bandang alas-sinko pa lang ng hapon ay nag sasara na ang karamihan ng tindahan doon.
Bukod sa ilalim ng New Divisoria Mall, meron din ilang stalls sa itaas ang nag bebenta ng mga party accessories tulad ng pabitin, party hats, pinyata at balloons. Doon medyo convenient ng kaunti dahil may aircon. Kaso nga lang mahirap hanapin yun mga stalls.
Katapat naman ng New Divisoria Mall ang isang building sa kanto ng Tabora at Sta. Elena ang New Divisoria Center. Sa second floor nito, marami din nag-bebenta ng mga laruan. Mas maluwag ng kaunti ang mga pasilyo dito. Mas marami din naman dito ang nag bebenta ng mga laruan na may kalakihan ang size, yun mga naka-kahon, may de-motor, gumagalaw, or yun mga naka vacum sealed na laruan, makakabili ka rin dito ng mga “bootlegs” na laruan or pirated/look-a-like na laruang galing China. May mga doll house na malalaki, mga kotseng plastic na pwedeng sakyan ng mga bata, mga baril, manyika at iba pa.
So kung maliit na pang birthday party loot bag ang hanap mo, mas marami ang nag bebenta nito sa ilalim ng New Divisoria Mall. Pero kung may kalakihan naman na pang prize sa party games ang hanap mo, sa New Divisoria Center ang mas maraming nag bebenta nito.
School Supplies at Novelty Items
Kung school supplies naman ang hanap mo, ang kahabaan ng Sto. Cristo at Quentin Paredes ang dapat na punta mo. Anong pinag kaiba ng dalawa? Kung gusto mo maginhawa na nakakapamili ng school supplies na wholesale, mas ok mamili sa Quentin Paredes, ito yun kalye na dadaanan mo kung galing ka ng City Hall ng Maynila at tinutumbok nito ang Binondo church. Kaso karamihan ng bentahan dito pang wholesale lang talaga. Marami din dito ang nag bebenta ng mga office equipments pati narin sports equipments.
Kung nasa lugar ka naman ng Recto, mas malapit naman ang Sto Cristo. Mula sa bungad ng Recto ay naka linya na ang mga nag bebenta ng school supplies sa kalye ng Sto Cristo.
Kung mga school supply na novelty items naman ang hanap mo. Yung mga pencil, eraser, ruler na may mga cartoon characters. Marami ang nag titinda nito sa first floor ng New Divisoria Mall.
Getting ready for the rain?
Wholesale na payong marami nyan sa New Divisoria Mall sa first floor. Mga rain coat, lona, canvass o trapal, sa kahabaan naman ng Recto sa tapat ng Tutuban mall meron nito. May ilan-ilan din nag nag bebenta sa may dulong bahagi ng Recto.
Fresh Fruits, Gulay, Fishda, Junk Foods at iba pa
Kahon kahon at all year round na available ang mga manasas, ponkan, orange, at iba pang prutas sa kahabaan ng Carmen Planas street. Per kahon ang bilihan dito, minsan may nag bebenta din ng paisa-isa.
Kung gusto mo naman maiyak sa dami ng sibuyas, sa kahabaan ng Recto mula sa kanto ng Sto Cristo papuntang Pier, may mga naka linya nang tindahan ng sako-sakong sibuyas. Dyan din sa lugar na yan ng Recto ang karaniwang bagsakan ng mga gulay.
Kung isda naman ang hanap mo sa New Divisoria Mall ang punta mo. Sa ilalim ng New Divisoria Mall ay bentahan ng mga isda at iba pang laman dagat.
Kropek, kendi, sitserya, at iba pang Junk Foods ang karaniwang binebenta sa kalahating bahagi ng Sto Cristo. Makakakita karin dito ng mga laruan na sa loob ay may lamang kendi, mga imported na kendi at iba pang junk foods. Siguraduhin lang na ang binibili mong pagkain ay hindi pa expired.
Plato, tasa, platito at baso pang hagis sa mister mo
Kung madalas kayong mag away ni mister at nauubos na ang mga plato sa bahay nyo, dito sa dulo ng Recto ang punta mo. Lagpas ng Sto Cristo, kahilera lang ng mga tindahang ng mga sibuyas ang mga tindahan ng babasagin na plato, tasa, platito at baso. Mag kabilang side ng Recto ang mga tindahan na pag pipilian mo.
Native Handicrafts, Figurines, Decors at Souvenirs
Sa kahabaan ng Tabora nakalinya bawat side ng kalye ang tindahan ng mga figurines, home decors at pang souvernirs. Sa loob naman ng mga building matatagpuan mo ang mga tindahan ng ribbons, lace at mga gamit pang-tahi. Kung trip mo naman gumawa ng sariling style ng home decor native handicrafts, meron din mga supplies na yan sa Tabora at meron din sa ilalim ng New Divisoria Mall.
Kolorete, ipit at tali sa buhok, suklay, blush-on at kyutiks
Maituturing na Paraiso ng mga Kikay on the budget ang first floor ng New Divisoria Mall. Dito mo makikita ang hile-hilerang tindahan ng kung ano-anong “kikay things”…. It’s like a “Kikay’s Heaven you know!”
. Meron dyan bentahan ng ibat-ibang ipit at pan-tali sa buhok, make-up, lipstick, kyutiks at iba pang maisip mong pang pintura sa mukha mo.Syempre di mawawala ang mga made in China na blower, plantsa sa buhok at iba pa.
Bukod sa New Divisoria Mall, meron din mangilan-ngilan na tindahan ng mga parlor supplies sa mga building sa tabi ng Carmen Planas,Tabora at Ilaya.
Syempre marami pang ibang mga bagay na mabibili sa Divisoria at di lang naman limitado sa mga lugar na nabanggit ko. Pero kung di mo pa alam kung saan sa Divisoria maaring makakita ng hinahanap mong bibilhin, sana ay makatulong ito sayo at nang di ka mapagod sa kalalakad sa buong Divisoria.
Related posts:
- Curry, Hindi Adobo Kung nagkataon pala na hindi dumating ang mga muslim at...
- Identity Theft… hooooo are you… hooo… hooo… hooo.. hooo… Si Empoy, naging biktima din ng Identitiy Theft nang gamitin...
- Stoic Passion? Bakit nga ba? Nung minsan may kinuwento sakin yun ka-officemate...
- Book Review: (George Soros) The New Paradigm for Financial Markets. Nose bleed ito! Rated as the best selling, clinically prescribed book for insomniacs...
- Off To Nether-Netherlands! Kanta ng Metallica na ‘Enter Sandman’ ang parating kinakanta ng...
Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.








Good Customer Service at HostingPhil.com
Reliving Francisco Dagohoy’s Legend at EAT Danao
Alona Beach, Panglao Island: Teeming with Marine Life
The Hanging Bridge, Simple Yet Fun
Baclayon Church: A Long Walk Away

@annie: wala sa divisoria ng pocketbooks, try mo sa Book Sale or Books For Less na branches, mga secondhand books. Medals and tokens, not sure kung ano yun specific na hinahanap mo, kung yun mga pang prize yun medals and tokens na hinahanap mo, meron mga gumagawa nun along Recto, same place kung san ka makakakuha ng fake diplomas. Original na swarovski, di ko alam kung original, pero sa Tabora street, meron nun mga accessories na nilalagay sa damit, like ribbons, laces, beads, etc.
greetings!
san po kaya ako makakabili ng wholesale ng precious heart romance na pocketbook, medals, tokens and original swarovski?
Tnx and godbless…
@doll: sorry no idea
magkanu benta mango 1 kilo??
@christopher: Try mo sa ilalim ng New Divisoria Mall, meron dun palengke. Or try mo rin sa Sto. Cristo street, meron dun bakery supplies, try mo check baka meron sila dun
patulong nmn mga kapatid need ko kze ng butter and margarine…meron bang my alam kung san mkakabili ng butter and margarines sa divisoria…tnx
@grace morales: check mo na lang sa tabora and sa other side ng Recto sa tapat ng tabora, nandun lahat ng bilihan ng tela
Gud day. . san poh ba makakabili ng organza n tela na printed. . ung per yard poh ha. .may binibili po kasi ako ung gawa n na pouches gawa sa organza. . .un poh sanang unmade p para ako n magpatahi. . san poh kaya sa divi??tnx
@npa: Yun mga plastics, like timba, tabo, including yun mga big white plastic containers, etc meron sa area ng New Divisoria Center and New Divisoria Mall. Sa New Divisoria Center na mall, yun mga nag bebenta ng plastics nasa tabi ng estero coming from Juan Luna. Yun mga nag bebenta plastics sa New Divisoria Mall, nasa malapit din sa estero. Kung manggagaling ka juan luna from Binondo, sundan mo lang yun estero from New Divisoria Center.
@Eng Yap: I think yun CDR King nag iimport sila ng supplies directly from China. You can also do the same, try mo mag hanap sa alibaba.com or other business to business websites. Kung hindi naman maramihan order mo, not enough to fill 1 container van, you can try yun mga shipping aggregators, na you get to share 1 container van with other clients going to the same address in the Philippines.
me alam po kayo kung saan sa DV ang meron mga plastic container boxes… yung mga parang baul na stackable. thanks.
thanks sa reply.. pero wholesaler kasi ako ng mga computer accessories dito sa cotabato parang cd-r king kaya naghahanap ng mura at mga items na kagaya sa kanila. hehe
anyways,,thanks po,,,
Salamat po=)
@aleli: sorry no exact info on the distributors. Try no na lang i-check yun mga shops sa gitna ng Tabora and Ylaya, may mga baby items dun
@ronica: try mo sa Tabora st., meron dun mga handicraft materials
@joker: sorry no idea on that. Definitely wala sa Divisoria nyan
@juz: sorry no idea on the rubber volleyball keychain
san po ba bagsakan ng imported baby diapers.
Pang negosyo kc kaya kelangan namin yong distributor mismo.
Tanung ko lang po plan kopo kasi magbusiness ng mga personalized bracelets at keychains yung Letters ex. R_O_N_I_C_A…..yung mabubuo po ung names gamit ang hiwalay ng mga letters at cute designs..nakakita nako ng nagbubusiness nun kaso diko alam san sila nabili ng wholesale or ng mga products….Please baka alam niyo po san makakbili Salamat po…=)
san po nakakabili ng Game Machine..kagaya nung mga machine s arcade???????
,,kuya,,san po makakabili ng rubber volleyball keychain??thanks
@Eng Yap: Sa 168 mall may mga binebenta na same sa CDR-King, mga Cd’s pero not sure on the laptop skins and accessories. Pero madalang ang mga nag bebenta nun sa Divisoria. Not worth the effort para hanapin. I think mura naman ang presyo sa CDR-King, better na yun na lang bilhin mo kesa makipag siksikan ka sa Divisoria
@rose: sorry no info on that
hello.. san sa divisoria makakabili ng mga computer peripherals na mga cool and unique, laptop skins etc kagaya nung binibenta sa cd-r king? thanks
saan ako pwede makabili o makaorder ng mga botelya na 30ml kulay brown at mga drinking bottles
maraming salamat po bosing meekes at least may info ako galing sa site nyo,,,try ko na lang pong mag gather ng accessories kahit na de biling yari…keep it up boss malaking tulong din tong site na to..mahirap din kasi mag ikot ikot sa divisoria..salamat po uli
@jessie: Sorry no specific info on the Anime shirts. Meron mga cartoon character shirts sa Tutuban Mall, sa cluster buildings nila. Pero I doubt if they have what you are looking for. Accessories for cosplay, no idea as well. From what I know most of the cosplay costumes are custom made, or personally done nun mga nag susuot nun costume. You can find materials for the costume in divisoria (e.g. tela), pero I doubt it if there is a shop that already has ready to wear cosplay costumes.
mga bosing saan po ba yung bilihan ng t-shirt ng mga Anime tulad ng naruto ,samurai-x ,gundam,bleach at mga accesories ng pang cosplay…2x na me nag punta sa divisoria de ko pa rin mahanap po eh please help naman po….