MyBloglog

globetrackr

Advertisement

Online Burol: Thinking out of the (Box) Casket

Habang nag babasa ako ng dyaryo, nadaanan lang ng mata ko sa obituary section ng Philippine Star ang isang advertisement, “Online Burol”, napaisip tuloy ako, seryoso ba yung Ad na yun?

Well seryoso nga sila, Online burol nga! “e-burol” ang tawag ng St.Peter Memorial Chapels (www.stpeter.com.ph) sa service nila. May web cam sa loob ng kwarto ng burol at free internet access pa! Target market syempre ang mga may kamaganak overseas. Para nga naman maka-attend parin ng burol yun mga kamag-anak or kaibigan na hindi kayang pumunta sa burol.

Ang susunod na project daw nila ay kumpletuhin ang services hanggang sa “e-libing”, ang pag broadcast ng actual na libing online.

Ang disadvantage lang nito sa mga nakikiramay online eh, di sila makakatikim ng pa-biskwit at pa-kape sa burol. :)

Amazingly mukhang dito pa lang sa Pinas ang may ganun concept. Another example of Filipino ingenuity?

Sa pag-kaka introduce ng “e-burol”, napa-isip ako, ano pa kaya ang pedeng gawing online or di kaya hi-tech sa funeral services? Nilista ko sa ibaba ang ibat-ibang pedeng gawin online services ng mga punerarya, katuwaan lang.

1. Online majhong, pekwa, pusoy dos, pusoy, tong-its, binggo at iba pa – Para pwedeng makisugal ang mga kamag-anak o kaibigan kahit malayo sila. Ang bayaran eh gagawin thru Pay Pal

2. FAQ web page, Call Center or Text Messaging services– Para ito sa mga kapamilya ng namatayan na napapagod na sa paulit-ulit na pag ku-kuwento ng dahilan ng pag kamatay ng minamahal nila. Pwedeng basahin nalang sa webpage ang mga Frequently Asked Questions ng mga nakikiramay. Para naman sa mga walang internet access, pede rin tumawag na lang sa Call Center services or di kaya mag Text ng tanong tunkol sa namatay. Pwede rin ibigay ang iyong short messages ng pakikiramay sa Call Center or Text services at sila na ang bahala mag padala sa mga kapamilya.

3. Online sending of Mass Cards or mga letter of condolences – di mo na kailangan pumunta sa simbahan para bumili ng mass cards, pede ka na umorder online at yun punerarya na bahala mag print ng Mass Card mo or di kaya’y letter of condolences.

4. Tribute webpage or AVP (Audio Visual Presentation) – Kala nyo sa kasal lang pede ito, pede rin sa burol! Isang overhead LCD TV o di kaya overhead projector ang ilalagay sa burol, para mapanood ng mga nakikiramay ang mga masasayang araw ng namatay. Pwede rin ilagay dito ang mga FAQ ng mga nakikiramay, mga online mass cards, online text messages na pakikiramay.

5. Online cam-view from within the casket – Para sa mga may ambisyong sumali sa Fear Factor.

6. Foto-loco remembrance – Foto Loco remembrance para sa mga umattend ng burol. Pwedeng i-super impose yun picture ng namatay at itabi sa picture ng umattend ng burol.

Katuwaan lang, pero malay mo bukas makalawa may mga nag-o-offer na ng mga ganyang services sa Araneta Avenue.

Related Posts

  1. Identity Theft… hooooo are you… hooo… hooo… hooo.. hooo…
  2. Stoics are Contradictingly Passionate!
  3. Santa Tracking, mas hightech pa sa parcel tracking ng UPS at Fedex!
  4. Off To Nether-Netherlands!
  5. Stoic Passion?

Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.

    4 comments to Online Burol: Thinking out of the (Box) Casket

    • meekes

      @ma.teresa celmar: Sorry im not in anyway connected with St. Peter. Please checkout their website, they have contact details. Just google it

    • hi,my name is ma.teresa celmar.im here in hongkong i want 2 know how can i send my payments 2 saint peter pls.send me some information.i bought last year in saint peter bulacan.it is due this coming augost pls send ur reply 2 my email add. tessacelmar@yahoo.com thank’s a lot and god bless u.

    • meekes

      @alex: Sent an email reply. Thanks!

    • alex of st. peter

      Hi!
      Please email me your contact info’s. we are glad to invite you for our coming event this. November.

      Thank you ang god Bless!

    Leave a Reply

     

     

     

    You can use these HTML tags

    <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>