At iba pa

globetrackr

blogflux

Blog Flux Directory

Advertisement

Identity Theft… hooooo are you… hooo… hooo… hooo.. hooo…

Empoy biktima ng Identity Theft

Si Empoy, naging biktima din ng Identitiy Theft nang gamitin ang kanyang pangalan sa isang photo credit card ng isang di kilalang lalake.

Isa sa mga ka-officemate ko recently ay naging biktima ng identity theft. Nung madinig ko na naging biktima sya ng Identity Theft unang pumasok sa isip ko eh yun high-tech version ng identity theft, yun karaniwan na napapanood sa sine na may uber hacker na naka-login sa mga government and commercial databases at pinalitan yun details ng pagkatao nya.

Pero hindi ito yun high-tech version, low tech lang (actually no-tech) at kung tutuusin ay kayang-kayang gawin ng kahit sino!

Anong nangyari?

Ang nangyari sa ka-officemate ko ay simple lang. Mayroong isang credit card company, na nag padala sa kanya ng credit card na naka-address sa previous company nya (kaka-resign lang nya kasi sa dati nyang office). Hindi nya ito nakuha dahil nun pinadala ito sa dati nyang company ay either resigned na sya or naka-assign sya sa client ng company nila (usually wala sya sa office at mas madalas sa client site). Maaring may nakakuha na ibang tao sa credit card nya at maaring dahil sa alam na resigned na sya ay ginamit na lang yun enclosed na credit card, pretending na sya ang ka-officemate ko. Simple case of identity theft, walang high-tech gadgets at wala ring plastic surgery.

Nagulat na lamang sya nun minsang iniabot sa kanya ng dati nyang ka-officemate yun billing statement nung credit card, at dun lang nya nalaman na may credit card pala na naka-issue sa pangalan nya. Syempre, tinignan nya agad yun billing statetment at laking pag ka shock lang nya nang makita nya na may mga naka-charge na purchases sa credit card na hindi naman nya nahawakan or nakita. Umabot sa six thousand Pesos yun purchase, karamihan ay ginawa sa Mall of Asia.

‘CSI’ kuno: Profiling the thief

Base lang sa credit card charges nya, medyo nag ka-idea kami kung anong profile nun taong kumuha ng credit card nya.

Una, maaring mahilig sya pumunta sa Mall of Asia, dahil karamihan ng purchases nya ay doon nangyari. May purchases din sya sa mga upscale boutiques sa MOA. Marunong syang gumamit ng internet dahil may online purchases sya mula sa Hongkong. At ang nakapag tataka ay,3 buwan na nya ginagamit ang credit card, at parati naman nyang binabayaran ang minimum amount due! Either gusto lang nya mag ka credit card or professional na sya sa ginagawa nya, kayat alam nya na kung mag babayad sya ng minimum every month eh hindi ma-a-alert yun credit card company or yung mismong ka-officemate ko.

Isa sa pinag tataka namin ay kung papano napunta sa kanya (kung sino man sya) ang credit card? Nag apply kaya sya sa credit card company at ginamit ang pangalan at details ng officemate ko? Or Pre-approved ba yun card na dumating at may kumuha lang na isang empleyado sa dati nyang office? Diba may verification pa at activation pa yun mga credit card before mo magamit? Which led us to believe na isang tao sa loob ng dati nyang office ang nakaka-alam ng details ng pag katao nya, alam ang birthday nya, address, maaring pati ang sweldo nya at TIN.

Scary diba?

Bagamat hindi naman ganun kalaki ang pinsala na nadulot nun sa kanya, nakakatakot lang isipin na may isang tao na maaring alam ang details ng pagkatao nya. Sino ngayon ang makakapigil dun sa tao na yun na gamitin ulit yun information na alam nya? Pedeng mag apply ulit sya ng credit card sa ibang provider naman, since meron na sya ng credit card sa kamay nya. Usually naman yun ibang credit card company ay bibigyan ka kaagad ng panibagong credit card, bastat credit card holder ka na ng ibang company. Pero syempre wala naman magagawa yun ka-officemate ko dun kundi mag-ingat na lang.

Ang Sagot ng Credit Card Company

Syempre ang unang action nya ay i-report sa credit card company na hindi naman nya nakuha yun credit card. Ang nakaka-bahala lang isipin ay mukhang walang balak gawin action ang credit card company. Mukhang plano lang nila i-write down yun sa balance sheet nila at di na nila balak habulin pa yun gumawa nun. Syempre nga naman, maaring mas mahal pa yun gagastusin nila sa pag habol sa suspect kesa sa amount na na-charge sa credit card (P6,000). Pero diba’t parang accessory to the crime na rin sila? Para kang nag sumbong sa Pulis at sinabi nun Pulis na mas mahal pa yun gasolina ng patrol car nila kesa sa halaga na nakuha sayo. Asaan ang Corporate Social Responsibility sa ganoong process ng company nila?

Yun nga lang ang sad reality na minsan mas mahal pang habulin at i-prosecute sa court yun suspect kesa dun sa halaga ng na-nakaw.

Based a recent survey ng Privacy International , unsurprisingly na mababa ang rating ng Pinas pag dating sa Privacy enforcement. Kaya’t di nakakapag taka na ganun na lang ang rating ng Pinas, dahil kung ang mismong malalaking credit card company ay walang pakialam sa malilit na halagang nawala.

Be aware of protecting your personal data

Minsan may mga simpleng harmless na bagay na ginagawa tayo, na di natin alam ay maaring pagmulan ng identity theft or di kaya’y actual theft. Katulad na lang ng mga credit card statements, billing info or notices na may personal details mo. Usually ay iniiwan kung saan-saan o di kaya tinatapon na lang basta sa basurahan. Yun mga statements na yun can contain details like your credit card number, the amount that you are spending and the amount that you are paying. Kung may mga masasamang intension sa village nyo, condo nyo or barangay nyo at basta mo lang tinapon ang mga ganung statements maaring hindi lang identity theft ang mangyari sayo,kundi mismong theft ng ari-arian, etc. Dahil nakikita sa statement mo kung ano ang financial standing mo, kung may kaya kaba at kung magkano ang kinikita mo buwan buwan. Tuwing kelan ka nag babayad at maaring kung saan ka rin nag babayad.

Usually karaniwan kong sini-shred ang mga ganung documents. Kung wala naman ako shredder ay gumagamit lang ako ng black marker at bina-blackout ko yun mga details tunkol sa akin, tulad ng credit card number, address, pangalan ko, etc.

Minsan may mga telemarketing agents na nag tatanong na lang ng detalye mo or kung hindi man tungkol sayo ay tunkol naman sa kakilala mo, ala background investigation. Definitely wag ka mag bibigay ng info tunkol sayo o di kaya sa kakilala mo kung di mo naman alam o di ka naman sigurado kung legitimate or trustworthy yun kausap mo. Karaniwan kapag may call center agent na nagtatanong sakin ng detalye ng ka-officemate ko, sinasabi ko na lang na makipag coordinate na lang sila sa HR namin. (Syempre inaasahan ko na magiging maingat ang HR sa pag lalabas ng detalye ng empleyado nila. Kung hindi eh…@$%#$^#…walang kwenta yun HR sya kung basta basta lang nya binigay yun details ng empleyado nila)

Nakakagulat lang malaman na pwede palang mangyari yun sayo. Karaniwan dina-downplay lang natin ang mga issue tunkol sa ganun kasi iniisip natin di naman mang-yayari sa atin yun at sa super high-tech na bansa lang pedeng manyari ang identity theft. Minsan di tayo na niniwala sa bagay bagay, not unless na experience natin or di kaya ng isa kakilala natin. Though it is unfortunate para sa ka-officemate ko, eh somehow naging beneficial naman sya sa amin,dahil ngayon aware na kami na possible pala na yun simpleng ma-intercept yun credit card mo eh magawa na ng iba gamitin ang identity mo sa pag gamit ng credit card.

Leave a Reply

 

 

 

You can use these HTML tags

<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>